His Invisible Halo - Chapter 27
Halo halong emosyon yung nararamdaman ko ngayon pero mas nananaig pa din yung sakit. I want to be fully happy because I finally met my biological mother. I just can’t help but to feel pain now that I know that Laurene is my step sister. She’s two years ahead from me and hindi ko inaasahan na kapatid ko pala sya. Hanggang ngayon hindi pa din tanggapin ng sistema ko lahat bunga ng sobrang pagkagulat.
“Uminom po muna kayo,” wika ni Ersy bago nya inilapag ang dalawang juice sa table. Nandito kami ngayon sa apartment namin at kasama ko ngayon yung babaeng nagpakilala sa’kin kanina bilang tunay kong ina.
“A-anak, salamat.” mga katagang binanggit nya na nakapaglambot sa akin. Eversince, it’s one my prayers that I’ll be given a chance to meet her. Hindi ko mai-explain yung pakiramdam lalo na’t hindi pa din ako makapaniwala na kasama ko na sya ngayon.
“B-buong akala ko, kamumuhian mo ako kaya’t n-natakot akong m-magpakilala sayo. S-salamat sa Diyos at pinalaki ka nilang may mabuting puso anak.” tears escaped from my eyes the moment she holds my hand.
“Alam ko n-naman po na hindi nyo ako gustong iwanan. N-naiintindihan ko po.” paliwanag ko. I badly want to hear her side and I’m happy that she’s now here to tell me everything.
“Wala na akong kasama sa buhay noon magmula ng mamatay ang lola ko na syang nag alaga sa akin. At an unexpected moment, I met your father. Totoong minahal at inalagaan nya ako anak. Hindi nya ako nilayuan kahit na nalaman nya yung nakaraan ko. Tinanggap nya yung anak ko mula sa among gumahasa sa akin noon. Sadyang mapaglaro ang tadhana dahil nung ipinagbubuntis pa lamang kita ay mamatay ang ama mo sa isang aksidente. Hindi ko alam ang gagawin ko noong mga oras na iyon kaya’t humantong ako sa isang desisyon. Wala na akong pagpipilian dahil wala na akong pwede pang lapitan. Pumunta ako sa totoong ama ni Laurene at nagmakaawa. Tinanggap nya kami pero gusto nyang ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko pero hindi ako pumayag. I told him na hayaan nya lang akong buhayin ka at pagkatapos ay hindi na ako magpapakita sa’yo. S-sana mapatawad mo ako anak. Mahal na mahal kita.” umiiyak na sabi ng aking ina bago nya ako niyakap. God knows how much I am longing for her hug. Hindi ko kayang magtanim ng galit sa kahit na sinuman lalo na sa kanya. I understand her dahil kahit sinong ina, alam kong gan’on din ang gagawin nya kung sakaling humantong sila sa ganitong sitwasyon.
“W-wala po akong sama ng loob. Salamat at binigyan nyo ako ng pagkakataong mabuhay, m-mama.” mas lalo akong naiyak ng banggitin ko sa kauna unahang pagkakataon ang salitang iyon. Masarap sa pakiramdam dahil sa halos labingpitong taon ay nakilala at nakasama ko na din sya.
I didn’t tell my parents na nakita ko na yung totoo kong ina. I’m just finding a right time to tell them. Hindi din nagtagal at nagpaalam na sa akin si mama dahil baka hanapin na daw sya ng asawa nya.
“M-ma, maayos ba ang pakikitungo nya sayo? Hindi ka po ba sinasaktan?” tanong ko. Napansin ko kasi yung pasa sa kaliwa nyang braso.
“H-hindi anak. Mabait ang asawa ko.” sagot nya pero hindi ko pa din magawang makampante. Hanggang sa maihatid ko si mama ay hindi pa din maalis sa isipan ko ang mga bagay na iyon.
“I can’t believe it! Out of all people, bakit si Laurene pa?” Ersy said habang nakasandal yung ulo ko sa balikat nya. Maski ako ay hindi pa din makapaniwala. I don’t see any resemblence of myself with Laurene. Maybe because nagmana ako kay mama samantalang sya naman ay sa totoong ama nya.
“I need to apologize to her. Gusto kong magkaayos na kami.” wika ko. Naisip ko lang kasi yung kalagayan ni mama. Alam kong sya yung masasaktan kapag hinayaan kong mas lalong lumala ang pakikitungo namin ni Laurene sa isa’t isa.
“Just a piece of advice, Kel. Masyado pang mainit yung sitwasyon. Knowing Laurene, alam ko mukhang bubuga iyon ng apoy kapag nagseselos. Tell me if you’ll talk to her at sasamahan kita. I can’t trust her just easily lalo na’t nalaman ko kung gaano ka nya kagustong saktan.” napangiti ako sa wika ng bestfriend ko.
Kinabukasan ay nabasa ko yung note ni Ersy na nakakapit sa ref. She told me that she need to go to class before 6 am. I just decided to check my phone and I saw Asher’s 103 miscalls at bukod pa yung mga messages. Pinatay ko kasi ito kagabi kaya’t hindi ko nakita.
/I’m alright. Sorry for not replying. Maaga kasi akong nakatulog kagabi./
After sending that message ay inayos ko na yung sarili ko. Pagkalabas ko ng pinto ay nakita kong may kotseng naghihintay doon. It was very familiar and I’m sure that it belongs to Asher.
Nakumpirma kong kanya nga iyon ng lumabas sya at lumapit sa akin.
“I’m sorry if I wasn’t there to protect you.” umiling ako sa sinabi nya. I should be the one apologizing kasi pinagdudahan ko sya. I told him I love him pero eto naman ako at hindi ko makuhang magtiwala sa kanya.
“You have no fault about what happened, Asher.” I exclaimed. Hindi ko na nagawa pang makapagsalita ng yakapin nya ako. I have so many things to say to him at hindi pa ako handang makita yung kapatid ko ngayon.
“Let’s ditch class just for today, Asher. I want to be with you.” pakiusap ko. He kissed my forehead before saying anything.
“Where do you want to go?” he asked. Alam ko mapapagalitan ako nina mommy kapag nalaman nilang hindi ako pumasok ngayon. Ersy is right. I just can’t face Laurene now dahil iba sya kung magalit. Ayokong mas lalo syang magalit sa akin kapag nakita nya kaming magkasama.
Asher brought me to a place kung saan pwede akong makapag isip isip. Kinuha nya yung jacket nya sa loob ng kotse bago nya ito inilatag sa buhanginan.
Mabilis ko namang pinusod yung buhok ko na humahampas sa mukha ko dahil sa dulot ng hangin dito sa dalampasigan. I was beside Asher at this moment. I also want him to help me fix my relationship with my sister. Alam kong alam na nya dahil hindi malabong hindi ito nabanggit ni Ersy kagabi.
“How long are you friends with Laurene?” I asked. Ramdam kong sumisikip ang dibdib ko dahil sa tanong kong iyon.
“Since highschool.” He answered. Ngayon ay naiintindihan ko na yung kapatid ko. Asher is a boyfriend material kaya’t hindi na ako magtataka kung bakit pareho kaming nahulog sa kanya.
I also asked him many things about my sister. Between the two of us, I know he knows her more than me.
“She didn’t give trust just easily and she doesn’t have a good relationship with your mom.” He explained. Naalala ko na naman yung binanggit sa’kin ni mama kagabi. She told me that Laurene’s father raped her. Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw nya ng may nakikihati sa kanya sa lahat ng bagay. She’s craving for a full attention eversince gaya na nga ng binanggit ni Asher.
“Stop worrying for her so much. I don’t want you to get jealous again so starting from now on, I’ll distance myself to her.” he said na mabilis ko namang hindi sinang ayunan. Mabilis kong pinahid yung mga luha mula sa mga mata ko para hindi na sya masyadong mag alala pa.
“K-kapatid ko pa din sya, Asher. Don’t worry about me. I’m alright.” sagot ko.
“I know you’re not.”
“O-okay lang talaga ako, Asher. You’re the only friend that he trust kaya sa ngayon, huwag mo muna syang lalayuan. Take care of my sister until she feels alright.”
I can see in his eyes na naguguluhan sya sa sinabi ko.
“Stop crying.” niyakap nya ako habang tinatahan. Alam kong masasaktan ako sa desisyong gagawin ko pero gusto ko lang na sa pagkakataong ito maging maayos muna ang relasyon naming magkapatid.
“A-asher, can you do me a favor?” pumiyok ang boses ko sa kalagitnaan ng aming pag uusap.
“Tell me what is it. I’ll do everything to make you feel alright.”
He’s directly looking at me kaya’t napatingin ako sa baba. Nag ipon muna ako ng maraming lakas ng loob para harapin sya.
“C-can we stop seeing each other for a while?” tears started to fall again from my eyes when I said those words.
“Tell me what’s on your mind.” he said calmly but I can sense the pain withiin his voice.
“I-i’m sorry, Asher. G-gusto ko lang na magkaayos muna kami ni ate Laurene ngayon.” umiiyak kong wika.
“So you’re pushing me away?”
Mabilis akong umiling sa sinabi nya. Sobrang hirap para sa’kin na gawin yung bagay na ‘to. God knows how much I love him and I can risk everything just for him. Pero ito yung weakness ko e. Mahina ako pagdating sa pamilya ko. Gusto kong tupadin yung sinabi ko kay mama na magkakayos kami ni ate dahil ayoko ng maapektuhan sya sa nangyayari sa’min.
“P-please, Asher. C-can you do that for me? S-stay by her side just for a while.” dugtong ko pa. Mas lalo akong naging sigurado sa desisyon kong ito dahil sa sinabi nya kanina. Ate Laurene almost killed herself for so many times at hindi kaya ng kunsesya ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
I saw Asher smile because of what I said.
“You showed me another reason for me to love you more. I fell hard not just because of the way you smile but because of your pure heart. I can’t imagine loving other girls if it’s not you, Haven.” he kissed my forehead for the second time after saying those.
“I’ll try to distance myself to you starting tomorrow but let’s not cut our communication. I can still call you every minute that I misses you okay?” napangiti ako ng sinabi nya iyon. I felt his lips touch mine. That kiss lasted for seconds.
We looked at each other. I can’t also see myself loving any man if it’s not him.
“A-asher, sobrang mahal kita.”
I also realized one thing now. I can’t see myself loving someone else if it’s not him.