Love Me, My Prince - Chapter 432
(KASALUKUYAN)
Lumipas man ang ilang taon ay natatandaan pa rin Baba ang lahat ng nangyari noon at huling usapan nila ng kaibigan niya.
He died nang wala siyang nagawa. Huminga siya ng malalim at ipinilig ang ulo.
While Prince Hanz, looking at Kaitlin’s facial features, knew that she was his daughter.
Dahil ang mga mata at ilong ni Kaitlin ay nakuha nito sa Mama niya.
He was really guilty dahil hindi niya ito nagabayan sa loob ng mahigit siyam na taon.
Penelope was alone protecting their kid for almost ten years.
It’s because he focused most of his time on his job as a prince at kinalimutan ang mga nangyari.
Matapos niya malaman na ayaw na siyang makita pa ng babae, gumawa na lang siya ng paraan para matapos ang problema kay Captain H. Nagtagumpay naman siya makalipas lang ang ilang taon.
“Bakit nga pala ‘Ms. Penelope’ ang tawag sa’yo ni Kaitlin?” Tanong ni Prince Hanz habang kumakain sa hapag kasama ang mag-ina.
“To protect me.” si Kaitlin ang sumagot bago kumagat ng tinapay na dala ng grupo ni Prince Hanz.
“I don’t want someone to use her against me.” si Baba naman ang sumagot.
Ilang beses na tumango si Prince Hanz.
“How about your studies? If you need anything just let me know.” tanong ng prinsipe kay Kaitlin.
Nagtaas ang kilay ni Baba sa narinig. “Chairman Hansson… medyo makapal na yata?” parinig niya dito.
She was really annoyed.
Hindi naman pinansin ni Kaitlin ang reklamo niya.
“Sure! I’ll let you know as my Dad. As of now, I don’t need anything and I’m doing great at school. I’m on a two weeks vacation. So, we still have time to get to know each other.”
Baba “…”
Amused talaga si Baba sa takbo ng usapan ng anak niya at ni Prince Hanz. Pinili na lang niya na ipagpatuloy ang pagkain.
“Oh by the way, we are going outside today.” saad ni Kaitlin.
“Hindi siya kasama.” tanggi agad ni Baba bago sumubo ng pagkain.
“thanks for the invitation.” sagot ni Prince Hanz kay Kaitlin.
Baba “…”
Lumalaki ang butas ng ilong niya at matalim ang tingin na pinupukol niya kay Prince Hanz dahil nagpipigil siya ng inis.
Napapangiti naman ng lihim ang prinsipe at humigop ng soup ngunit agad nitong ibinagsak ang maliit na bowl nito sa mesa.
“May shitake mushroom itong soup.” Puna ni Prince Hanz sa soup na dala ng grupo nito.
“Sinong nagluto at nagpadala nito? Did you know na allergic si Penelope sa shiitake mushroom?” Tanong ng prinsipe sa dalawang kasama.
“Oh! Aalisin na lang namin, Prince. Sorry, we will advise the chef.” nagmadali ang dalawang bodyguard na kinuha ang bowl ng soup sa mesa at tinapon iyon sa basurahan.
“Alam mo na allergic ako sa shiitake mushroom?” takang tanong ni Baba sa lalaki.
“Yeah. I read your blog before.”
Inisip ni Baba kung anong blog ang sinasabi ng prinsipe at naalala niya ang blog. Facts about her.
“Pero hindi ko sinabi na allergic ako sa shiitake mushroom. Ang sabi ko is… I don’t like it.”
“Pero dinala ka sa hospital when you are 10 dahil nakakain ka ng shiitake mushroom.”
Umawang ang labi ni Baba. Hindi niya sasabihin sa publiko na allergic siya sa pagkain na iyon to protect herself. Sa dami ng mga kliyente at pinupuntahan niyang event, hindi niya sigurado kung biglang may sumabotahe sa pagkain niya.
Para pasimplehin, sinabi niya na ayaw niya ng shiitake mushrooms.
“You know a lot about my Mama.” puna ni Kaitlin.
“Kung meron man akong hindi alam, siguro ‘yung tungkol sa iyo. Your Mama never told me about you, she was so cruel.” umiling-iling si Prince Hanz.
Baba “…”
“Chairman Hansson, bakit ko sasabihin na may anak ako. Hindi tayo close, okay?”
Inusog ni Prince Hanz ang silya ng patalon-talon hanggang sa magdikit ang mga balat nila.
“Hayan, close na tayo. Hindi ka na siguro magrereklamo.” sabi nito bago humigop ng kape.
Si Baba naman ang umusog pero sinundan siya nito sa pag-usog hanggang sa halos lumapit na siya sa silya ni Kaitlin.
Ilang saglit pa, may nag-doorbell sa pintuan kaya nakahinga ng maluwag si Baba. Kahit sandali ay maiiwasan niya si Prince Hanz.
Nabigla siya na si Lorenz ang nasa labas ng pintuan. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag na naroon sa loob si Prince Hanz.
“H-Hi, Shogun” niliitan niya ang pintuan para wala itong makita mula sa loob.
Kumunot ang noo ni Lorenz. “Dumalaw ako dito para sana makikain. Ayoko na ng pagkain sa hotel.”
Napalunok si Baba. “uhmm… I know a restaurant na masarap kainan. Why not try local food?”
Saglit na nag-isip ito.
“Hmmm sige, I’ll treat you and Kaitlin”
“Hindi na ko sasama, d-diet na ako.”
Nabigla na lang siya nang ilapit nito ang daliri sa gilid ng pisngi niya at inamoy ang bagay na nakuha doon.
“Ate Baba, you are eating breakfast pero ayaw mo akong isabay sa pagkain? May tinatago ka ba?”
Baba “…”
Nabigla na lang si Lorenz nang sumilip mula sa loob ng apartment si Prince Hanz.
“Hello, brother”
Nanlaki ang mata nito nang makita ang bisita niya sa loob at ibinaba ang tingin sa kanya na nakangiwi at nakapikit ng mariin.