Love Me, My Prince - Chapter 434
Nag-aatubili man ay sumunod si Prince Hanz kay Baba. Lumabas siya ng apartment nang nakasunod ang dalawang bodyguard.
Natagpuan niya si Lorenz sa labas na nakasandal sa pader at naghihintay.
“I want to hear your story.” saad nito.
Tumango lang siya at inaya ito sa isang kapehan na nasa malapit.
=====
Samantala, lumabas naman si Baba at si Kaitlin para ipasyal ang anak niya. May suot siyang mask para hindi makilala ng kung sinong paparazzi lalo at nasa Paris sila.
Nanood sila ng sine, kumain sa labas at nag-ikot-ikot sa mall.
Wala namang pinabili si Kaitlin, dahil ayon dito, kumpleto pa ang gamit nito na dadalhin sa dormitoryo ng eskwelahan.
Halos madilim na rin nang makabalik sila sa lugar kung nasaan ang apartment niya. Pero pinili nila na magstay muna sa swing na nasa park ilang metro ang layo.
Tig-isa sila sa magkatabi na swing. Umiingit pa ang bakal kada galaw nila.
“Tell me Ms. Penelope, don’t you like him anymore?” tukoy ni Kaitlin kay Prince Hanz.
Saglit na nag-isip si Baba. Alam niya na hindi na bata ang anak niya at marami nang naiintindihan kumpara sa ordinaryong bata.
Napaisip siya sa tanong nito.
May edad na rin kasi siya at nakafocus na ang utak at puso niya na ipagpatuloy ang pag-alaga at sa pagpapalaki kay Kaitlin.
Sa loob ng mahabang panahon, sa trabaho niya binuhos ang oras bukod dito.
Aminado naman siya na wala rin talaga siyang nagustuhan na ibang lalaki bukod kay Prince Hanz. Pero kung tatanungin ang sarili kung mahal pa ba niya ang lalaki. She was sure na hindi na.
Pero… hindi na nga ba? Halos sampung taon din naman siyang umasa sa lalaki. Simula noon ay wala naman siyang iba pang nagustuhan bukod dito.
Or maybe because, she asked him to stop pestering her way back then.
“Are you hungry?” tanong ni Baba. Hindi niya ito sinagot sa tanong nito kung gusto niya pa rin ba si Prince Hanz.
“Not yet, we just took a snack before going back…”
Nilingon siya ni Kaitlin bago nagpatuloy. Ramdam nito na iniwasan niya ang tanong.
“Miss Penelope… I don’t want you to be alone in the future. Especially when I’m at school. I want you to be happy and I can really feel that the man still loves you. You waited for him in the past. Maybe you are still waiting, it was just too painful… I will be happy if you chose to continue your life with him. Why not give him a chance?”
Natigilan si Baba. Tinanggal niya ang mask na tumatakip sa bibig niya, bumaba siya sa swing saka niyakap ang anak niya.
She kissed her forehead. “I love you so much Dear.”
Someone secretly captured a picture of that moment. He grinned afterwards.
=====
Magkatabi si Baba at Kaitlin sa kwarto. She looked at her daughter deeply.
She was really touched by what she said. Her daughter wants her to be happy.
Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang sarili sa pagkamatay ng matalik na kaibigan na si Dylan.
The past keeps haunting her. Nagsimula ang lahat sa manager niya hanggang kay Dylan.
Pinilit na lang ni Baba ang matulog habang kayakap ang anak.
Kinabukasan, isang tawag mula sa sekretarya niya ang gumising sa kanya.
“hmm… Hello?” namamaos pa na sagot niya dito. Hindi siya nakatulog ng maayos nang nagdaang gabi kaya inaantok pa ang diwa niya.
Tinungo niya ang bintana at hinawi ang kurtina. Agad na kumalat ang liwanag sa parte ng kwarto na iyon.
“Miss Penelope, do you have a kid?” narinig niyang tanong ng sekretarya niya mula sa cellphone.
Nanlaki ang mata niya nang makita na may mga nag-flash na camera mula sa ibaba. Madaming tao sa ibaba. Agad niyang sinarado muli ang kurtina. Tila nagising na nang tuluyan ang diwa niya.
“Wh-what is happening?” tanong niya sa sekretarya niya.
“Miss Penelope, kumakalat ngayon sa internet ang picture mo na kasama ang isang bata sa isang swing…”
“..Most of the people are questioning who that child is. And most of them assumed that she was your kid. So, they wanted to know who the father of your kid is. They are accusing you of being a liar.” Paliwanag ng sekretarya niya.
“P-picture?” nilingon niya ang anak niya na nasa kama.
“Yes.”
“I will call you again.” Hindi na niya hinintay pa ang sagot mula rito at agad niyang pinindot ang ‘end call’ button.
Tiningnan niya ang local news at nanlaki ang mata niya nang makita ang larawan nila ni Kaitlin.
Kuha ang larawan sa nangyari nang nagdaang gabi. Halik pa niya ang noo ni Kaitlin.
Nabigla talaga siya na lumabas na sa publiko ang tungkol kay Kaitlin.
Mabuti na nga lang at hindi masyadong halata ang mukha ng anak niya sa larawan.
Nabigla si Baba. Hindi niya akalain na ang proteksyon na ginawa niya kay Kaitlin ay aabot sa ganito.