Love Me, My Prince - Chapter 435
Panay ang ikot ni Baba sa kwarto. She doesn’t know what to do.
Kapag may nag-imbestiga pa nang mas malalim tungkol sa anak niya, nag-aalala siya sa proteksyon ni Kaitlin.
Nabigla siya nang mag-ring ang cellphone niya at nakita ang numero ni Prince Hanz. Hindi niya ito pinansin dahil wala siyang panahon para kausapin ang lalaki sa mga oras na ito.
Pero nagulat siya nang may mag-doorbell. Umangat din ang mga balikat niya dahil sa pagkabigla.
Kinakabahan siya na tinungo ang main door.
Sumasabay ang doorbell at ang ring ng cellphone niya kaya pinili niya na patayin ang tawag ng lalaki sa cellphone dahil nakadagdag iyon sa sakit ng ulo niya.
Sinilip niya ang peephole ng pintuan. Nakayukong nilalang ang nasisilip niya sa kabila ng pintuan.
‘Sh*t! who’s this?!’
Kinakabahan siya na baka nakapasok ang mga paparazzi sa loob mismo ng gusali kung saan naroon ang apartment niya.
“Penelope, open the door. It’s me.” Narinig niya ang boses ni Prince Hanz.
Hindi na sana niya ito pagbubuksan pero kapag nalaman ng mga tao na naghintay ito sa tapat ng pintuan niya, mas malaking problema.
Agad niyang binuksan ang pintuan at sumilip sa kaliwa at kanan ng hallway bago niya hinila ang lalaki papasok sa loob.
Papasok din sana ang dalawa pang bodyguard na kasama ng prinsipe pero pinigilan niya ang mga ito.
“You stay here.”
Sumama ang mukha ng dalawang bodyguard.
“It’s okay, my wife will not kill me.”
“Augh!” Siniko niya ito sa tagiliran dahil sa narinig kaya lalong nagduda ang dalawang bodyguard ni Prince Hanz.
“I-it’s okay, lovers do quarrel.” Saad nito habang sapo ang tagiliran na namimilipit. “Give her my flowers.”
Noon niya lang napansin ang food cart na bitbit muli ng grupo nito. Mabilis na sumunod ang isang bodyguard, kinuha nito ang bulaklak at inabot sa kanya.
Para matapos na ang usapan ay kinuha na lang niya ‘yon at sinarado ang pinto.
Tumuloy naman ang prinsipe sa loob at sinandal ang sarili sa malambot at malapad niyang sofa habang sapo ang tagiliran.
Pinatong ni Baba ang bulaklak na dala nito sa mesita na nasa tapat ng sofa kung saan nakaupo ang lalaki. Pinameywangan niya ito.
“What are you doing here?” Sita niya agad dito. Kapag nakita ng mga paparazzi si Prince Hanz, siguradong mas malaking problema.
“I’m here to get you and Kaitlin. You are not safe here anymore.” Sabi nito.
“It’s me to decide kung saan kami lilipat.” Matigas na saad niya. Kung mag-feeling close itong lalaki, masyadong ginagalingan.
“Then, tell me the place.”
Nakaramdam na ng inis si Baba. Pinilit niyang mag-isip.
Sa ngayon, wala pa kasi siyang naiisip na lugar kung saan sila mananatili na mag-ina. Ang apartment niya ang pinakasafe sa kanilang mag-nanay pero ngayon na alam na sa publiko ang tahanan niya, wala na siyang iba pang naiisip.
“Penelope, sa poder ko lang kayo safe ni Kaitlin.”
Humalukipkip siya. “Prince Hanz, we’re not even close. How can you say that?”
“Kids, ang aga pa, why are you quarrelling again?” Reklamo ni Kaitlin na nasa pintuan ng kwarto. Pumasok din naman ito muli sa loob at sinara ang pintuan para hindi sila nito madinig.
Nakakita ng liwanag si Prince Hanz.
“Then, let our kid decide if she wants to stay with me.”
Baba “…”
Gustong-gusto na niyang sipain ang lalaki sa pag-angkin sa anak niya.
“Prince Hanz, as far as I know you’re not even related. Sinabi ko bang ikaw ang tatay ng anak ko? Hiningan ba kita ng sustento in past? Did I say, ‘Smiley, we have a kid’?”
Huminga ng malalim si Prince Hanz.
Noon niya lang na-realize na hindi pa nga pala siya nagtatapat sa babae. Pero nasabi na niya ang lahat kay Lorenz. Kahit pa nga galit na galit sa kanya ang asawa ni Sandra dahil pinabayaan niya ang mag-nanay, sinabihan pa rin siya nito kung paano susuyuin ang babae.
“Penelope, I am honest when I said yesterday I am Kaitlin’s father.”
“Ha?” Umawang ang labi ni Baba.
Nilabas ni Prince Hanz ang cellphone mula sa bulsa at inabot sa kanya ang bagay na iyon para ipakita ang larawan ng nanay nito. The picture was high definition. Portrait iyon ng nanay ni Prince Hanz.
Baba could see the whole part of the woman’s face. Kaitlin’s nose and eyes were the same as the woman. She has a well-formed nose. She has clear, compassionate green eyes.
Overall, Kaitlin’s looks were like Prince Hanz’s mother.
Umawang ang labi ni Baba. Tumayo si Prince Hanz para lapitan siya.
“I am the man who rescued you from your manager and those two guys… I am the man who’s with you that night”