Love Me, My Prince - Chapter 438
Pumasok si Prince Hanz sa hotel suite ni Kaitlin dahil pinaalis siya ni Baba sa royal suite. Natagpuan niya ang anak na nagbabasa ng libro nito sa cream na single couch.
Nagrereflect sa kalahati ng mukha nito ang liwanag na nagmumula sa labas.
“Ah, your Mom is terrible.” Reklamo niya sa anak.
Binaba nito ang libro. “Did you have a fight with her again?”
Naisipan ni Prince Hanz na umupo naman sa long couch na nasa gilid kung saan ito nakaupo.
“I don’t want to fight with her but she was the one who always initiated it.”
Saglit itong nag-isip.
“To be honest, it was also your fault. Mabuti na lang my Mom can do so many things, what will happen if we became a beggar? I will give you a week para mapasagot si Miss Penelope.” Hamon ni Kaitlin sa prinsipe.
“Sa palagay mo, kaya ko iyon?” Napangiwi si Prince Hanz. Duda siya kung mapatawad siya ni Penelope sa loob ng isang linggo.
“Of course you can do it! You are my Dad. duh?”
Napangiti ng simple si Prince Hanz. Kung naniniwala ito na kaya niya, kailangan niyang kayanin.
“On your next break, I’ll bring you to my home. Basically, you are a princess because you are my daughter. What can you say about it?”
“Hmm… Nothing.” Sinara nito ang binabasa na libro.
“It’s because I live like a real princess ever since I was a child. I have three bodyguards.” Inangat nito ang tatlong daliri.
“And they are not just bodyguards. They are well-trained guards by my Uncle Lorenz. I could get and buy what I want. If I asked my Mom to give me a Disneyland, I guess, she will find ways to give it to me. I lived in a school for girls which is also a dormitory. It was an international school where my Mama spent thousands of dollars every year just to keep me safe. So, even without the title, I am a princess.”
Prince Hanz “…”
Akala niya ay kaya niyang suhulan sa ganoon ang anak. Hindi ba’t ang mga batang nasa edad ni Kaitlin ay madalas ma-excite kapag narinig na isa silang prinsesa? Ngunit iba sa inaasahan niyang tugon mula dito.
Parang biglang umurong ang dila niya sa sinabi nito.
“But don’t worry, with or without a title, I am acknowledging you as my Dad.” Saka ito ngumiti sa kanya at ibinalik ang tuon sa binabasang libro.
Napapailing na lang siya, the way Kaitlin talks is royal. With or without a title, hindi maikakaila na kalahi niya talaga ito.
Diretso magsalita ang anak niya, alam nito ang sasabihin nito without rebutting, imposible na hindi pakinggan ang nais nitong sabihin at nasa punto. Ngayon pa lang ay nakikita na niya ang future ni Kaitlin sa bansa niya.
“Pwede ba kitang yakapin?” Tanong ni Prince Hanz
“Pwede. Kapag napasagot mo na ang Mama ko.” Saad nito nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Prince Hanz “…”
=====
Binabalot si Baba ng kalungkutan ng sarili niyang musika na umiikot sa buong kwarto. Umupo siya sa couch at tumingin sa labas ng bintana.
Unang beses niya kasi na marinig ang CD niya. Nang panahon kasi na nasa proseso ang album niya ay naganap sa kanya ang Love Drug. Matapos naman niyang magising sa parehas na kwarto ay parang ayaw niya nang marinig pa ang mga likha niya noon.
Masyado siyang nalungkot kaya siya sumama kay Cally sa Kent Mansion noon para magmove on.
Nilayuan na rin niya ang piano kaya naman mahigit sampung taon na siyang hindi aktibo sa concert.
Napatingin si Baba sa makinis, malambot at maputi niyang mga kamay. Hinaplos ng bawat isa ang kamay.
It will take her time bago makabalik nang tuluyan sa first love niya na pagp-piano, lalo at may isang dekada na siyang hindi nakakapindot ng piano keys.
Bumalot ang lungkot sa puso ni Baba habang nakatuon ang lahat ng atensyon niya sa musika at sa magandang view ng maaliwalas na panahon ng Paris City mula sa royal suite ni Prince Hanz.
Ang bawat nota ng likha niya ay nabuo niya para kay Prince Hanz noon. She was lonely in the past years. Kaitlin was right, she was lonely na naitago niya sa loob ng mahabang panahon ngunit hindi sa mata ng anak niya.
And now, her daughter wanted her to be happy.
Hindi niya akalain na matapos ang matagal na panahon ay magsisimula na maghilom ang lahat ng lumbay niya noon.
Mabilis niyang natanggap ang lahat pero huwag aasa si Prince Hanz na madali niya itong mapapatawad.
Hindi nga ba?
Pumikit siya at ninamnam ang musika na bumabalot sa buong kwarto. It was her song.
She wanted to listen to every piano note that she created in the past hanggang sa makatulog siya sa malambot na sofa.