Love Me, My Prince - Chapter 441
Hinaplos ni Prince Hanz ang buhok ni Baba. Patuloy lang siya sa pag-iyak.
Para siyang batang nawala sa lansangan sa loob ng mahabang panahon. O taong naligaw sa dilim at matagal na hinahanap ang sarili.
Sa loob ng mahabang panahon ay ngayong lamang din nailabas ng totoo ni Baba ang tunay niyang nararamdaman.
Kahit nang namatay ang matalik niyang kaibigan na si Dylan ay hindi niya nagawa ang umiyak.
She was lonely in the past years. Hindi niya nagawang sabihin kahit sa magulang ang problema. Mas pinili niya na manahimik. Walang alam ang mga ito kung sino ang tunay na ama ni Kaitlin.
Her Mom and her Dad never asked her past.
Naging masikreto siya sa loob ng mahabang panahon. Namumuhay siya nang mag-isa at itinago sa lahat ng tao ang tunay niyang saloobin.
“Bakit ang tagal mong dumating? Bakit ngayon ka lang? Why? Why?” parang bata na tanong ni Baba sa lalaki.
Nalungkot si Prince Hanz sa tanong niya.
“Dahil ito ang nakasulat sa tadhana nating dalawa. Ginawa ko naman na hanapin ka matapos kong maayos ang problema sa bansa ko noon. Matapos ang naganap sa ating dalawa, hindi kita nakita sa loob ng mahigit dalawang buwan…”
“…When I found you, you told me to go away and never bother you again. Then, I heard you got married. The only thing I could do is to move on.”
“When I saw you the other day in the auction, I was really bothered… nabigla talaga ako.”
Dumaan ang mahabang katahimikan sa kanilang dalawa. Saglit nilang dinama ang isa’t-isa.
“Bakit ka nagkaroon ng maraming ka-date noon? Did you know that I was hurt?” Tanong ni Baba na may halong pagtatampo.
“It’s a ploy. I received threats from terrorists. Tinakot ako ng terorista na huwag na huwag niyang malalaman ang kahinaan ko.”
Does he mean she was his weakness?
Unti-unti nang nagkakaroon ng liwanag ang lahat sa nakalipas para kay Baba. Kaya pala bigla na lang din nawala ang komunikasyon sa kanya si Smiley noon.
Hinawakan ni Prince Hanz ang baba ni Penelope para iangat iyon at salubungin nito ang mata niya.
“Nangangako ako na gagawin ko ang lahat ng mga hindi natin nagawa noon. Maybe it’s too late for us but we can still do it. Maglalakad tayo ng naka-holding hands. Manonood ng sine. Kakain sa labas. Like what lovers do.”
“Sinong nagsabi na gusto kong makipagdate sa iyo?” namumula ang pisngi na saad ni Baba sa mahinang boses. Inilayo niya ang mga paningin sa lalaki.
“Because I’m charming.”
Baba “…”
“No. You’re not.”
“Really?” pumikit-pikit ito para magpa-cute. “I’m not charming enough? I’m not Prince charming?”
Natatawa si Baba at nawala na ng tuluyan ang kalungkutan niya.
“Tatayo na ko. Nagugutom na ko.” Umakto na siya na tatayo para makalayo sa lalaki ngunit mahigpit ang pagkakayakap nito sa bewang niya.
“I told you, I won’t let you go. Call me ‘Hubby’ baka magbago isip ko.” pangungulit ni Prince Hanz.
Baba “…”
Ang lalaki na yata ang may pinakamakapal na mukha sa balat ng lupa.
“Come on, I need to check my daughter.”
Bumitaw din naman si Prince Hanz nang marinig na dinahilan ni Baba ang anak niya.
“Haay… just a simple word ‘Hubby’, naipagkait pa sa akin” reklamo nito.
Tumayo na si Baba at tinungo ang pintuan at saka sinabing… “I agree, Hubby.”
Matapos niyang sabihin ‘yon ay parang tanga na nangingiti na binuksan ang pintuan. May edad na siya pero hindi niya napigilan na kiligin na parang bente anyos lang.
Agad na kumalat ang ilaw mula sa living room ng royal suite. Bahagya pang nasilaw si Baba dahil dim light ang ilaw sa kwarto na pinanggalingan niya.
Mabilis na bumangon si Prince Hanz at sumunod kay Baba.
Naabutan siya ng prinsipe sa labas ng kwarto at mabilis siyang hinarap at niyakap nito sa bewang.
“Say it again.” pangungulit muli ng prinsipe.
“I shall not.”
“Say it again. Hindi ko iyon narinig ng maayos.”
Namumula ang pisngi ni Baba. “I agree, H-hubby.”
“Yes!”
Bigla nitong hinawakan ang isang panga niya at sinakop ang labi niya. Hindi na magawa pa ni Baba na tumanggi sa halik na iginawad ng prinsipe sa kanya. His kiss was sweet, passionate and flirtatious afterwards.
He sucked her mouth sweetly at tila nag-iiwan ng kiliti sa bawat pagkilos nito. They wouldn’t care about the world anymore.
‘Ah, so this is the feeling of being kissed by him.’
“Ehem!”
Kapwa sila napalundag at mabilis na naghiwalay nang makarinig ng pagtikhim.
Halos hindi makatingin si Lorenz sa PDA act nila na naroon pala sa loob ng kwarto. Nasa kabilang panig nito si Kaitlin na amused sa ginawa ng magulang nito. Nasa tea table ang dalawa at nagmemeryenda.
May dalawang bodyguard din sa loob ng kwarto.
Itinakip ni Baba ang dalawang palad sa mukha dahil sa kahihiyan. Palibhasa ay nasanay na kasi siya nang mag isa lang palagi kaya hindi niya napansin na may mga tao pala sa loob ng kwarto.
Hiyang-hiya siya sa kalandian na ginawa nila ni Prince Hanz.