Love Me, My Prince - Chapter 446
“Wow Mommy you look so pretty!” Puri ni Khalid kay Prin. Sumampa ito sa kama. Saka kumandong sa kanya para mas masilayan pa ang mukha niya.
She’s wearing a simple pink yukata. Nakakabata sa hitsura niya ang kulay nito. Inayos niya ang buhok sa isang messy bun na nilagyan ng isang malaking bulaklak na hair accessories.
Mas ramdam niya ang pagiging haponesa sa suot. Bakya na lang ang kulang.
“Really?” She kissed Khalid on his cheek.
Panay ang tango nito bilang sagot.
It was 7 at night. usapan nila ni Cally na uuwi ito ng maaga kaya naman hinintay niya talaga ito wearing her Yukata. Katatapos niya lang mag-ayos. Ayon dito ay susunduin siya nito at pupunta sila sa kung saan.
“Do you have a date with Dad?” Usisa ni Khalid.
Isang simpleng ngiti ang isinagot niya dito. “Yes. How did you know?”
“Because you look pretty and I like your scent. Hmmm.. Can I go with you?” Inamoy-amoy pa siya nito.
Prin “…”
Sabi na nga ba niya. Kaya lang siya nito pinupuri ay dahil may plano ito na sumama sa kanila ni Cally.
“No. It’s Mommy and Daddy’s date today.” Kailangan niya itong pigilan dahil kakaiba ang date nila ni Cally sa gabi na iyon. Her husband is planning something that kids are not allowed to see.
“Eh… but I like to be with you. Earlier, you stayed with him at the office. It’s my turn now.” Pagmamaktol ni Khalid.
Binuhat niya ang anak at dinala sa kwarto nito. Sanay na siya sa ganitong ugali ni Khalid. He is sweeter, smarter and clingy.
Plano niya na patulugin na muna si Khalid para hindi na ito mangulit pa kaya naman dinala niya ito sa kwarto nito. Sumandal siya sa kama ni Khalid habang nakadapa naman ito sa dibdib niya.
“Next month, you will start your schooling. Gusto ko na magpakabait ka. At school, you will learn new things and you will get more friends. Bawal maging bully okay?” Sabi niya habang hinahagod ang likuran at buhok nito.
“What will you pay me if I do good at school?” Tanong nito sa mahinang boses. Sa palagay ni Prin ay inaantok na rin talaga ang anak niya.
Pero nais niyang matawa dahil hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip pa rin nito kung paano kikita ng salapi.
“A date with you and a thousand kisses. How’s that?”
“Hmm… sounds like a nice plan..” halos hindi na niya madinig na sabi nito.
Napangiti siya. Mukhang nakatulog na kasi ang anak niya. Naghintay muna siya ng ilan pang saglit para masiguro na nakatulog na talaga ito at hindi na mangungulit pa.
Alas siyete y medya na ng gabi at wala pa ang asawa niya. Naisipan niya na bumalik na muna sa loob ng kwarto. Nagpadala siya ng mensahe kay Xander para tanungin ito kung nasaan na si Cally.
Hindi sumasagot ang lalaki.
Ilang saglit pa at nag-ring ang cellphone niya. Naisip niya na baka si Cally ang tumatawag kaya mabilis niyang dinampot ang bagay na iyon na nasa ibabaw ng tokador.
Pero kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Mildred sa caller ID.
“Hello.”
“M-miss Prin?”
“Yes. May kailangan ka?” Tanong niya dito.
“E… ano e.” ramdam niya na nag-aatubili ito na sabihin sa kanya ang kailangan.
“May nangyari ba sa hotel?” Usisa niya.
Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. “Si.. si Master Cally. Nakita ko na may kasamang babae na kumuha ng kwarto dito sa Romantik Grand Hotel. Maganda, s.e.xy; hubog na hubog ang katawan, Miss Prin.”
Kumunot ang noo ni Prin then she smiled
“Hehe… I don’t think it’s Cally.” Tanggi niya habang umiiling.
“Miss Prin, ‘di ba idol ko si Master Cally kaya hindi ako pwedeng magkamali. Siya talaga iyon! Naku Ms. Prin, may babae na ‘yung asawa niyo! Naku naku naku!” sabi nito na tunog tsismosang kapitbahay.
“Alam niyo po ba na ‘yung kwarto na pinuntahan nila, sampung libo na pulang rosas ‘yung inorder ng babae sa hotel kanina. Biglaan po. Mabilis na inayos ng florist natin ‘yung kwarto. Paano na Miss Prin kung magpropose ‘yung babae kay Master Cally? Hala! Tapos hiwalayan ka niya! Naku…”
Nagsisimula nang uminit ang ulo ni Prin. Pero pinilit niya na magpakalma kahit pa nadurog na niya ang notepad na nasa ibabaw ng tokador niya sa kwarto at nabali na niya sa dalawa ang ballpen.
“Mildred, it’s not Cally.” Malumanay na saad niya. She breathed in and breathed out.
“Miss Prin, mabuti pa na magpunta ka dito sa hotel, ngayon na! para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo! May babae si Master Cally.”
Binabaan niya na ito ng telepono sa pagkainis saka tinawagan si Xander para itanong kung nasaan sa kasalukuyan ang asawa niya.
Alam niya kasi na hindi magsisinungaling si Mildred at sigurado rin siya na nakita talaga nito si Cally lalo at 100% na fan ito ng asawa niya.
Unang beses din na hindi sinasagot ni Xander ang telepono kaya naman nagsisimula na siyang magduda. Ilang beses niyang tinawagan si Xander at hindi talaga ito sumasagot.
Hindi niya makausap si Xander sa telepono kaya naman nagdesisyon na siya na magpunta sa hotel para makita kung ano ang nangyayari.