Love Me, My Prince - Chapter 449
Lalong naiyak si Prin matapos makita ang kabuuan ng kwarto.
The red flowers are everywhere. Nagkalat ang mga pulang rosas sa sahig matapos niyang ihagis sa pader ang lalaki kung saan maayos na nakakabit ang mga iyon. Nasira na rin niya nang tuluyan ang 70 inches television ng kwarto. May mga nasagi rin na figurine na nagkalat sa sahig.
Halos hindi na rin makatayo ang lalaki na ginulpi niya na parang tinakasan ng buhay sa sahig.
“Bring him to the hospital.” Utos ni Cally kay Mildred at Xander habang yakap si Prin. In his thought, kasalanan rin naman nito kung bakit ito nagulpi ng asawa niya dahil bigla itong pumasok sa kwarto na iyon nang walang pahintulot.
“Why are you here? Saka sino sila?” Tanong ni Prin kay Cally sa pagitan ng mga pag-iyak.
“She’s Ate Baba’s Assistant. I asked her help to plan this all. I told you na susunduin kita sa bahay. Bakit sinira mo ang surprise ko sa iyo?” Halata ang disgusto sa mukha nito.
Lalo siyang naiyak. “I thought you were having a mistress. Tapos si Xander, nagsinungaling pa siya.”
Cally “…”
Xander “…” ‘napag-utusan lang ako! Bakit parang ako pa ang may kasalanan?’
“M-Master Cally, I’m sorry… Hindi ko po kasi alam na sa inyo po pala nakareserba ang kwarto na ito. It was reserved after a girl’s name.” Kagat ang labi na katwiran ni Mildred.
Nakaramdam ng inis si Cally sa babae. Pinalabas niya na ang lahat ng tao sa kwarto bukod sa kanila na Prin na maiiwan. Nang-aakusa naman ang tingin ni Khalid sa babae.
“You ruined the mood.” Bintang nito sa babae habang papalabas.
“Master Khalid, what am I going to do?” Parang maiiyak na tanong nito.
“As much as I wanted to ask for money to help you, it was my parents’ big day, I won’t help you, hmp!” Inirapan nito ang babae saka sumunod kay Xia.
“Master Khalid, I’ll pay! H-how about twenty thousand?”
“No go! You hurt my Mommy’s feelings.” Napapailing na lang si Khalid. Inaya na ito ni Xia na tumungo sa katabing kwarto para bihisan.
Kahit naman mukha itong pera, ayaw nito na nasasaktan ang Mommy nito.
Kakamot-kamot naman ang ulo ng babae na sumunod na lang kay Xander at sa dalawang magkasintahan. Hawak pa rin nito ang walis-tambo na parang wala sa sarili.
Samantala, sa kwarto kung saan naiwan ang mag asawang si Prin at Cally. Panay ang iyak ni Prin habang yakap ang asawa niya.
“Stop crying.” Utos ni Cally kay Prin. Gustuhin mang mainis ni Cally sa kanya, hindi nito magawa. Sa kabilang banda, natatawa ito sa ginawa niya.
“Naiiyak lang ako dahil may surprise ka pala sa akin at sinira ko na. Hu hu hu. What is it exactly?”
“Haaay. Sa totoo lang, ako nga itong dapat na maiyak. I want you to be pretty tonight pero mukha kang si Dora the explorer na naligaw dito.”
Lalong lumakas ang iyak ni Prin. Sinuri naman ni Cally ang kamay niya. Naningkit ang mata nito nang makita ang galos sa kamay niya dahil ginupi niya ng todo ang lalaki.
“Honey, stop crying… narinig ko ang mga hinaing mo kanina. At sa totoo lang natatawa ako na hindi ko alam. I will not have a mistress in any lifetime. Especially now, I don’t have the guts na mambabae.” Sabi ni Cally. Matapos niya makita ang kinahinatnan ng lalaki, magtatangka pa ba siya na mangaliwa? He wouldn’t dare.
“Really?”
“Hm.. really” Ginawaran niya ito ng halik sa labi.
Hinawi ni Cally ang bangs ni Prin. He ran his fingers on her neck and collarbone.
“I like your looks on your Yukata kahit nasira na.” Nakangiti na puri ni Cally.
Bahagya nang nalilis ang suot ni Prin kaya naman sinimulan muli ni Cally na ayusin ang kasuotan niya.
Hinayaan siya nito na tumayo sa gitna ng kwarto. Tinanggal nito isa-isa ang parte sa suot niyang yukata; ang obi, na sumusuporta sa tiyan, ang obijime, ang kimono. Hinayaan lang nito na itira ang haneri, o yung pang loob.
Saka siya sinimulan na suotan muli ni Cally.
Seryoso ito na ibinalik isa-isa ang mga bagay na tinanggal nito. Inaayos nito ang kasuotan niya na para bang isa siyang japanese doll na binibihisan ng owner nito. Nawala na ang mga pag-iyak ni Prin at seryoso na pinanonood si Cally sa ginagawa nito.
How come there is a man like Cally who is perfect in everything?
“I’m not good at expressing words, so I hope you listen.” Saad ni Cally.
Matapos masiguro na ayos na ang suot niya, sunod na inayos nito ang buhok niya. Gamit ang mga daliri, sinuklay ni Cally ang buhok ni Prin.
“Nothing or no one will ever change the way I feel for you… not in this lifetime.”
“You are my Prin Matsui, the only one I have ever loved…”
“Destiny, fate and opportunity may have separated us, but today we are still together. I had never lost hope that we would be together in the past.”
“I’ve enjoyed my everyday because of you Honey. Thank you for making my life worthy.” Hinaplos ni Cally ang pisngi ni Prin.
Sinalubong nila ang mata ng bawat isa. She saw love, respect and peace in his eyes.
“You are my most precious Prin Matsui… my most precious gem, Prin Matsui.”
Nagsimula muling lumuha ang mga mata ni Prin. This time, it’s because she was happy. They are tears of joy.
Nilapat ni Cally ang labi sa mga mata niya. Matapos iyon ay sinakop nito ang labi niya.
Pinasadahan ni Cally ang palad pababa sa katawan ni Prin hanggang sa lumuhod ito sa harapan niya. Ilang saglit pa ay nilabas nito ang namumukhaan niyang maliit na box. Nakita niya iyon sa opisina nito.
She saw a three karat diamond ring. Dinala ni Cally sa labi ang kamay niya na may galos para halikan.
“My most precious wife Prin Matsui, will you re-marry me?”
She cried hard saka tumango. Sinong mag-aakala na maiisip ni Cally na magpakasal muli sa kanya? Isinuot nito ang singsing sa daliri niya.
Biglang naisip ni Cally na hindi naman pala ganoon kaimportante ang lugar kung saan siya magp-propose sa asawa niya. Ang mahalaga ay ang mensahe na nais niyang iparating.
“Ang pangit ko tuloy habang nagp-propose ka. Hu hu hu.” Reklamo ni Prin.
“Oh my gosh Honey, yung ilong mo tumabingi ulit!” Tutop ni Cally ang bibig at nanlalaki ang mga mata.
Lalong lumakas ang iyak ni Prin.
“I’m just kidding.”
Prin “…”