The Strange Forest - Chapter 10
Heto ako ngayon sa bahay naming lahat. May nakalimutan kasi akong kunin. Napahinto ako nang makita ‘yong mga photo albums namin, pati na rin ‘yong mga picture frames na naka-display. Isa-isa ko itong tinignan. Napapangiti na lang ako, natatawa, minsan din naiiyak kaya ‘di ko na namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Humagulgol pa ‘ko habang nag-scan sa mga photos. Hanggang doon na lang talaga ang lahat. Hindi na madadagdagan ang mga pictures namin. Kung madadagdagan man, lima na lang kami.
Ilang taon na rin ang lumipas mula nang mangyari sa’min ang kakaibang karanasan na ‘yon. Labis ang aming pighati at lungkot nang makauwi kami sa’min.
You know what kung ano ‘yong similarities naming lahat? ‘Yong pag-treasure namin sa friendship namin. Alam kong minsan may misunderstanding pero nase-settle din naman namin ‘yon. Magkasama kami ano mang problema meron kami. Nagkakaisa kami. Parang magkakapatid lang kaming lahat.
Maraming nagbago sa aming buhay after noon pero ‘yong friendship namin ay solid pa rin. Araw-araw kong naiisip ang pangyayaring ‘yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka-move on, tingin ko silang apat din. Mahirap kalimutan lalo na’t involved ang mga kaibigan namin na wala na. Masyadong masakit lalo na’t na-witnessed pa namin ang pagkamatay ng ilan sa kanila. Kasalanan din naman namin kung bakit pa kami nagpunta roon. Wala naman kaming alam na ganoon pala ang kahihinatnan namin doon, ‘di ba?
Naiyak nga kami noong graduation namin. Kahit ngayon, ‘pag naiisip ko ‘yon bigla ay naluluha ako. Akalain mo, we were sixteen pero nang grumaduate kami, lima na lang? Sobrang sakit. Pero hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na.
“Babe! Halika na!” Natigilan lang ako nang marinig ko ang tawag ni Clifford na nandoon na pala sa pinto. I wiped my tears agad.
“Yes, babe! Andiyan na!”
Binalik ko na ‘yong mga photo albums. Nga pala, he’s now my boyfriend. Sinagot ko na siya. Tinupad niya ‘yong promise niya na ligawan ako. Sobrang saya ko dahil napakabuti niyang boyfriend. Si Mica naman, may nanliligaw na sa kaniya ngayon na crush niya pala. May pinagkaabalahan naman si Lexi ngayon. Si Kuya Max naman, nagkamabutihan sila no’ng kapatid ng lalaking nabato ko ng fres noon sa mall. Nakasalubong kasi namin ni Kuya ‘yong babae tapos kasama niya ang lalaking nabato ko ng fres. Nagulat pa nga ako nang matandaan ako ng lalaking ‘yon. Doon namin nalaman na magkapatid pala sila nang pinakilala ng babae ‘yong kapatid niya sa amin.
“Ang tagal mo naman,” sabi niya nang makalabas ako ng bahay naming lahat.
“Sorry,” ngumiti ako and I just gave him a smack. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero napangiti rin pagkatapos.
“Ito talaga oh!” Inakbayan niya ‘ko at giniya kung saan kami papunta.
Kahit five na lang kami over sixteen ngayon, pinipili pa rin naming maging masaya pero hindi namin kailanman kalilimutan ang friendship na nabuo naming sixteen. Parte na ito ng buhay namin. Inspirasyon namin ang eleven naming mga kaibigan para pagbutihin pa ang buhay namin at sulitin ito na parang kasama namin sila sa mundo. I know it will take time pero sisikapin naming kalimutan ang pait at sakit na nangyari sa gubat noon at tanging masasayang alaala lamang ang aming babaunin hanggang sa pagtanda.
Hindi masusukat at mapapantayan ang saya at ngiti na naibahagi ninyo sa amin. Napakasaya namin at naging parte kayo sa aming buhay.
Keith, Josh, Johnny, Sab, Will, Arthur, Vaness, Erika, Roy, Denisse and Yunn. Mahal namin kayo. Hindi namin kayo kalilimutan dahil tayo ay magkakaibigan. Hanggang sa muli nating pagkikita.