The Strange Forest - Chapter 3
Third Person’s POV
“I’m just wondering. Ba’t naging dugo yung tubig dun sa balde sa CR? And bakit may CR eh wala naman palang tao dun?” Mica asked, feeling bothered.
“Just thinking about it, gosh! It really gives me the creeps!” Sab said, hugging herself. Tumatayo nga mga balahibo nya.
“Buti walang nangyari sa inyo. Kung ako yun, siguro nahimatay na ko,” Hailey uttered. Of all the girls, sya pa naman din yung pinakamatatakutin.
Tahimik lang yung iba habang naglalakad sa gitna ng kagubatan. Alam nilang sa loob nila ay nakakaramdam na sila ng takot at pagkabahala.
Ngunit kalahating oras na silang naglalakad, bakit tila nagpabalik-balik na lamang sila sa mga dinaanan na nila kanina? Sinusunod naman nila yung nasa pictures gaya nung papunta pa lang sila rito.
“Hoy! Ano na ang gagawin natin ngayon?” Mangiyak-ngiyak na sabi ni Erika.
Inakbayan naman sya ni Roy. “Wag kang mag-alala. Andito lang ako.”
“Hoy! Kayo ha! Nasa nakakatakot na gubat pala tayo eh nonstop pa rin yang kas-sweetan nyo!” Sabi ni Mica.
“Inggit ka lang! Wala ka kasing jowa!” Pangtatanggol naman ni Yunn sa dalawa.
“Wow ha! Bakit? May jowa ka ba?” Mica talked back to Yunn.
Natawa naman sila sa sinabing yun ni Mica. Oo nga naman!
“Tss! Jowain kita dyan eh!” Kahit mahina ay narinig pa rin yun ng ilan lalo na si Mica pero tumahimik nalang ito.
“Maghiwa-hiwalay nalang kaya tayo by group para mas madali nating mahanap yung daan palabas sa gubat?” Suggest ni Max.
“Naku wag! Dapat kumpleto tayo,” sabi ni Lexi.
“Don’t worry, Lex. By group naman eh,” sabi naman ni Vaness.
“Sige! Mas mabuti na rin yun. Kesa naman matagalan tayo rito. Baka abutan pa tayo ng gabi. Mahirap na,” Keith agreed.
“Okay! Ganito yung plan. Max, Denisse, Will and Lexi! Dun kayo sa kanan!” Johnny started. “Keith, Vaness at yung lovebirds, sa kaliwa kayo.”
Natawa naman sila pagkasabi ni Johnny ng lovebirds.
“Josh, ako at ikaw Clifford pati yung love your life mo. Dun tayo,” turo ni Johnny sa direksyon kung saan sila nakaharap.
“The rest, dun naman kayo,” dagdag pa nito sabay nguso sa likuran nila.
“Okay! Pag nakita nyo na yung daan palabas sa gubat, balik agad dito ha? Dito mismo tayo magkita-kita,” sabi ni Arthur. “Iwan na muna natin dito yung mga gamit natin. Palatandaan natin para di tayo mawala.”
Gayun nga’t iniwan nila ang mga gamit. Kung meron mang kailangan talaga ay yun na lamang ang dinala ng ilan sa kanila.
“Naisip ko lang. Pag nakita nyo yung tulay, pakiramdam ko yun na ang daan palabas, di ba?” Sabi ni Yunn.
“Okay! Let’s do this, guys!” Sigaw nila.
Naghiwa-hiwalay na nga sila kada grupo patungo sa iba’t ibang direksyon.
Ang hindi nila alam ay nagsisimula na ang misteryo at katatakutan sa gubat. Kapag nakapasok ka kasi rito ay hindi ka na makakalabas. Hindi nila alam na yung nakita nilang mga facebook posts noon ay walang natirang buhay. Na-upload lamang ang mga ito noon nung nasa may tulay sila dahil dun lang may signal.
Pero bakit nga ba may signal dun sa may tulay? Yan ang tanong na di masasagot ng lahat. Pakana kaya ito ng kakaibang gubat para makapag-post ang mga pumupunta rito at makumbinsi ang mga taong hindi pa kailanman nakapunta rito? At kapag sa oras na makatapak sila sa gubat ay hindi na makakalabas ng buhay? Kumbaga, nagugutom ba ang gubat kaya ito nangyayari? O may ibang dahilan? Walang nakakaalam.
Isa pang tanong, ano nga bang meron sa kakaibang gubat na to?
~~~~~
Third Person’s POV
Sa laki ng gubat ay di maisip nina Yunn, Mica, Sab at Arthur na mapunta sila ngayon sa isang lawa.
“Teka lang ha? Maghihilamos lang ako saglit,” sabi ni Arthur at lumapit sa gilid ng lawa.
“Arthur, mag-ingat ka dyan ah! Di natin alam, baka ano ng meron dyan,” wika ni Sab at naupo sa tabi ni Mica sa malaking ugat ng puno.
“Maghihilamos na rin ako. Parang nanlalagkit na yung mukha ko eh,” sumunod naman si Yunn kay Arthur.
“Ay! Sira pala tong nasuot kong wristwatch!” Sabi ni Mica na nakatingin sa relo nito. “Anong oras na ba, bes? Naiwan ko rin pala sa bag yung phone ko,” sabi ni Mica.
“12:49 na bes,” sagot ni Sab.
Habang nagku-kwentuhan yung dalawa eh napatayo sila bigla dahil sa pagsigaw ni Arthur. Tumakbo sila papalapit dito.
“Pare! Tulong! Tulungan mo ko!” Sigaw ni Arthur na parang nalulunod na yata.
“Wag kang bumitaw!” Sigaw ni Yunn habang hinahawakan nang mahigpit ang mga kamay ng kaibigan.
Sa gitna kasi ng paghihilamos ng dalawa ay biglang may humila sa isang paa ni Arthur kaya nahulog ito sa tubig ng lawa. Buti na lamang ay magkalapit lang sila ni Yunn at agad sya nitong nahawakan sa mga kamay.
“Kapit ka lang, Yunn!” Sabi ni Mica na kasama si Sab sa pagtulong kay Yunn sa paghila kay Arthur. Ilang sandali lang ay naiahon na rin ito.
“Anyari, pare? Marunong ka namang lumangoy. Bakit”
“May biglang humila sakin!” Pigil-hiningang sabi nito na di na pinatapos pa si Yunn sa pagsasalita. “Maniwala kayo sakin. May humila sakin sa ilalim!”
“Ano?” Sabay-sabay na sambit ng tatlo.
“Di ko alam kung ano basta hinila ako nito!” Muli nitong sabi. “Tara na! Kailangan na nating umalis!”
Nagsitakbuhan na lamang ang apat palayo sa lawa. Naniniwala ang tatlo na nagsasabi nang totoo si Arthur. Marunong itong lumangoy kaya nakapagtataka naman kung hindi nito magawang umahon at sagipin ang sarili sa tubig.
~~~~~
Lexis POV
“Sana pala di na tayo nagpunta rito,” panimula ni Denisse nang makalayo na kami sa ibang kasama namin.
“Kayo kasi eh, atat na atat maligo sa talon na yun!” Reklamo ni Will.
“Hay naku! Wag nga kayong magsisihan dyan. Mag-focus nalang tayo, okay?” Sabi ko.
Tumahimik naman ang dalawa pero biglang nagsalita si Max.
“Tignan nyo, may bahay dun!” Napatingin naman kami sa tinuro ni Max. “Tara!”
“Oh!” May biglang sumulpot sa harap namin pagdating namin sa maliit na bahay. Nagulat naman kaming apat dahil dun.
“Ginulat nyo naman ho kami, lola!” Sabi ni Max at napahawak pa sa dibdib nito.
“Di ba kayo yung dumaan dito kanina? Nasan na ibang mga kasama nyo?” Salubong na tanong nung lola.
“Eh lola, naliligaw ho ata kami eh kaya naghiwa-hiwalay kami para hanapin yung daan palabas lalo na yung tulay,” paliwanag ko.
“Ganun ba? Nandun sa unahan yung tulay,” sabi ni lola at tinuro yung daan. “Mag-ingat kayo, ha?”
“Salamat ho,” sabay naming sagot.
Ngunit sa tagal-tagal naming paglalakad, hindi pa rin namin makita yung tulay kaya huminto muna kami saglit.
“Niloloko lang ata tayo ng matandang yun eh!” Naiinis na sabi ni Will.
“Chill ka lang, Will. Mahahanap din natin yun,” sabi ko.
“Hoy! Tingnan nyo! Oh my gosh!” Malakas na sabi ni Denisse na malapit sa isang puno. Nilapitan naman namin sya.
“Dugo yan, di ba?” She added.
Tumango naman kami. Kumuha si Max ng isang maliit na sanga na nasa damuhan at ginalaw nang konti yung dugong nasa baba mismo ng puno, animo’y sinusuri ito.
“Sariwa pa ito,” he started. “Saan naman kaya to galing? Dugo ba to ng hayop?”
Napakibit lang kami ng balikat. Wala rin naman kaming ideya.
“Waahh!” Nagulat naman kami sa biglang pagsigaw ni Denisse.
“Bakit Denisse?” Tanong ni Will.
“W-Who’s that?” Sabi nito na takot na takot at napatakip ng bibig kaya sinundan namin ang kanyang tingin sa di kalayuan.
“Oh my gosh!” Napalakas naman ang sigaw ko nung makita ko yung sinasabi nya.
“H-hindi yata sino ang tanong. Kundi ano!” Nababahalang sambit ni Max.
Nagkatabi na kaming apat ngayon dahil sa takot. Kitang-kita namin ang hitsura ng isang nilalang na di maipaliwanag yung itsura. Para itong tao na hayop na ewan. May dalawang sungay na singhaba ng sungay ng kalabaw, kulay brown yung buhok nito na medyo mahaba-haba at magulo kagaya nang sa leon. Ang tainga naman ay kapareho ng bahoy. Yung mukha nya ay di ko alam kung paano ito i-describe pero napakapangit talaga kaya kung sino man ang makakakita nito ay matatakot talaga nang sobra at maaaring atakihin sa puso. Wala rin itong suot na damit pang-itaas. May malaking markang “X” sa dibdib nito na parang matagal na itong nakaukit. Wala itong sapin sa paa pero pansin kong hindi pantao dahil mas malaki ito sa mga paa namin. Ganundin sa mga kamay nito. At sa huli-huli ay may dala-dala itong palakol na puno na ng kulay na pula na may brown at itim.
Nakita ko ang pagpatak ng bagay na parang malagkit mula sa hawak nitong palakol. Doon ko napagtanto na posibleng ang nilalang na to ang may gawa kung bakit may dugo rito sa puno sa tabi namin. At alam kong magkapareho kami ng iniisip ng mga kasama ko ngayon.
Sa ilang hakbang pa lang na ginawa nito ay nagsitakbuhan na kaming apat pero mas nakaramdam pa ako ng takot nang hindi pareho ang direksyong tinakbuhan namin.
Nagkakahiwalay pala kami. Si Max tumakbo pakanan. Si Denisse naman ay sa straight lang na direksyon at kami ni Will sa kaliwa. Hinawakan kasi nito agad yung kamay ko kaya napasabay ako sa kanya.
“Will!” Mangiyak-ngiyak kong sigaw nang bigla akong nadapa dulot ng kahoy na nakaparada sa dinaanan namin. Tinulungan naman nya ako agad.