The Strange Forest - Chapter 4
Third Person’s POV
“Ssssss!” Natigilan sa paglalakad si Vaness dahil sa narinig habang yung tatlong kasama nya at patuloy pa rin.
“Sino yun?” Takang tanong nya. Di naman siguro yun sa tatlong kasama nya dahil kita naman nyang nag-uusap ang mga ito habang naglalakad.
Nang mapagtantong wala naman syang narinig ilang segundo lang eh naglakad nalang sya ulit.
“Ssssss!”
“Hoy! Di nyo ba narinig yun?” Tanong nito sa tatlo kaya napalingon ang mga ito sa kanya.
Natakot naman ang tatlo sa nakita nila sa likuran ni Vaness. Napatakip pa ng bibig si Erika.
“B-Bakit ganyan kayo makatingin?” Takang tanong nito.
“Van, wag kang gagalaw. May malaking ahas sa likod mo!” Paliwanag ni Keith.
“What? OMG! Anong gagawin ko? Takot ako sa ahas! Help me!” Di mapakaling sigaw nito.
“It’s so big, Van. Kahit tayong apat, di natin makakayang patayin yan!” Sabi ni Erika.
“Ssssss!” Gumalaw nang konti ang napakalaki at napakahabang ahas sa likuran ni Vaness. Nakataas pa ang ulo sa ere at ilang parte ng katawan nito na karugtong ng ulo. Lumalabas pa ang dila nito na wari’y natatakam na makatikim ng ulam.
“Wag kang gumalaw, Van!” Muling paalala ni Roy kay Vaness.
Subalit sa di malamang dahilan ay dahan-dahan nyang ginalaw ang kanyang ulo papunta sa likuran at nilingon ito. Kaya nagkaharap sila ng ahas na isang metro lang ang pagitan sa kanya.
“Sssss!” Muling tinig ng ahas. Napasigaw naman nang malakas si Vaness at dahil sa takot ay napatakbo ito sa tatlo pa nyang kaibigan. Ganundin ang ginawa ng tatlo. Mabilis namang tumakbo si Vaness kaya mas nauna ito sa tatlo.
Sumisigaw si Keith kaya napalingon sina Vaness, Roy at Erika.
“Keith!” Sigaw ng tatlo sa nakita at wala nang magawa dahil hawak na ng ahas ang kanilang kaibigan.
Inikut-ikotan ng ahas si Keith habang ito ay nagsisigaw at pilit pumapalag at kumakawala pero hindi nito magawa sa sobrang higpit ng pagkakatali ng ahas. Nang tanging ulo nalang ang makikita kay Keith ay napahinto sa pag-ikot ang ahas at nakatitig ito saglit sa taong kaharap nya na animo’y sinusuri ang masarap na pagkain.
“Tumakbo na kayo!” Sigaw ni Keith sa mga kaibigan nito. Ilang sandali lang ay binuka na ng ahas ang bibig nito at pinasok dito ang ulo ni Keith at isa-isa itong napapalunok na parang umiinom ng tubig. Ano mang sandali ay makakain na rin nya nang buo ang tao.
“Keith!” Malakas na sigaw ng tatlo na napapaiyak na sa nangyari sa kanilang kaibigan.
Sa sobra ring takot nila at wala rin naman na silang magawa ay nagsitakbuhan na palayo sa ahas.
~~~~~
Hailey’s POV
“Hoy! Johnny! Ikaw ha! Ba’t ako lang babae rito?” Pagsusungit ko.
“Syempre, may isang dapat mahiwalay sa inyo. Seven lang naman kasi kayo eh,” he explained.
“Eh ba’t ako? Sana sinama mo nalang ako kina Mica,” reklamo ko.
“Pano kung may mangyari? Tapos tatlo kayong mga girls at isa lang yung lalaki? Kaya ba nya kayong ipagtanggol?” Sagot naman nya. Natahimik naman ako sa sinabi nyang yun. Oo nga pala, di ko naisip yun ah.
“Tsaka, ayaw mo. Eh tatlo kami magtatanggol sayo,” sabi naman ni Josh na nasa tabi ko. “Lalo na yang isa dyan. Iaalay pa ang buhay nyan ipagtanggol ka lang,” parinig nya kay Clifford ata. Di ako sure ha? Baka isipin, assumera ako. Nakita ko namang napa-chuckle si Clifford.
“Tumigil ka nga,” siniko ko nalang sya. Hindi ko narinig na nagsalita si Clifford pero narinig ko namang sumisipol si Johnny.
“Nasaan na kaya tayo ngayWaaahh!” Nagulat nalang kami nang biglang sumigaw si Johnny pero di namin sya makita. Bigla nalang nawala.
“Hoy! Andito ako! Tulungan nyo ko!” Narinig naming sigaw nya. “Aray! Ang sakit ng pwet ko!”
Hayun! Nakita rin namin sya na hinimas-himas yung pwet nya. Napahalakhak naman ako nang tawa. Nakisabay na rin sina Clifford at Josh. Hahaha!
“Ba’t ka napunta dyan, tol?” Tanong ni Clifford na natatawa. Di ko naman maiwasang mapatitig sa kanya. Gusto ko ang tawa ni Clifford. Napangiti naman ako dun. Di ko alam pero I found his laugh pleasant to my ears. Pero nung napatingin sya sakin ay agad ko ring iniwas ang aking tingin at tumingin sa baba.
Nahulog ata si Johnny sa square na hukay na sa tingin ko eh dalawang katao ang lalim kung isukat.
“Nahulog ako! Ano pa ba? Di ko naman napansin yung dinaanan ko. May hukay pala rito. Tulungan nyo na ako!” Bulalas nya. Kinaway-kaway pa yung mga kamay nya sa ere na di naman namin maabot.
“Waahh! Wag kayong lalapit! Papatayin ko kayo!” Sigaw pa nito nung nag-kokak yung mga palaka na nasa tapat nya.
“Aba! Pare, may kasama ka naman pala dyan. Wag kang matakot! Hahaha!” Sabi ni Josh.
“Bilisan nyo na! Tulungan nyo na ko!” Muling sigaw ni Johnny.
“Sige, hahanap lang kami ni Clifford ng bagay na makakapitan mo,” sabi ni Josh. “Hailey, dito ka muna.”
“Okay. Hahaha!” Umalis na sina Josh at Clifford. Binabantayan ko naman si Johnny na takot na takot pa rin sa mga palaka kaya panay ang asar ko sa kanya. Well, ako rin naman, takot din. Di lang nya alam.
Ilang minuto pa ang nakalipas pero wala pa rin sila kaya bigla akong inutusan ni Johnny. “Hailey, sundan mo nga sila. Ang tagal naman.”
“Sige, babalik din ako,” sagot ko at hinanap na silang Josh at Clifford.
~~~~~
Third Person’s POV
“Ito na lang. Okay na siguro to, pare,” sabi ni Clifford na hawak-hawak ang isang kahoy na medyo mahaba-haba at sapat na para maabot si Johnny.
Hindi sumagot ang kaibigan kaya nilingon nya ito at nagulat na lamang sya nang makitang nakaupo ito sa isang puno. Muntik namang masuka si Clifford sa nasaksihan. Duguan ang tiyan at nakalabas pa ang mga lamang-loob ng kaibigan. Ang ilan sa mga lamang-loob ay nasa bibig pa na parang pinakain mismo ang sariling laman at pumapatak pa ang ilang dugo.
“Oh! Clifford, ang tagal nyo naman. Nasan na siOh my gosh!” Napatakip naman ng bibig si Hailey sa gulat pagkarating nya kung saan ang dalawa at pagkakita sa sinapit ni Josh.
“Tara na!” Hinila naman agad ni Clifford si Hailey at agad nilang binalikan si Johnny na naroon sa hukay. Pagkarating nila ay lalo pa silang natakot sapagkat kita nila ang kaibigan na nakahandusay habang pansin din nila ang parang matandang babaeng mahaba ang puting buhok na nakatalikod sa kanila at kinakain ang lamang-loob ng kaibigan.
Huminto ito sa ginagawa at ilang saglit lang ay lumingon ito sa kanila dahilan para mapaatras ang dalawa at mapasigaw sa gulat si Hailey. Nagulat din naman si Clifford sa loob-loob lang nya.
Tumakbo at umalis na lamang sila. Mangiyak-ngiyak na nakahawak sa laylayan ng damit ni Clifford si Hailey dahil sa takot. Kaya nagreklamo naman ang lalaking kasama nito.
“Tss. Ang sungit mong babae ka pero matakutin ka pala!” Sabi nito at hinawakan ang kamay nito.
“Tumigil ka nga!” Sabi ng babae at hinayaan nalang na magkahawak sila ng kamay ni Clifford. “Pero di ba, sya yung nakatira dun sa isang bahay na nadaanan natin papunta sa Liyong Falls?”
“Oo, sya nga. Kaya pala kakaiba rin ang matandang yun. Alam na kaya ng iba ang tungkol dun?”
~~~~~
Denisse’s POV
Naiiyak na ako. Mas napaluha pa ako nang makarating ako sa kung saan kami magkikita-kita. Ba’t ako pa lang mag-isa ang nakarating dito? Nasan na silang lahat? Tsaka, anong nangyayari sa mga gamit namin? Mas lalo pa akong kinabahan dahil nag-iisa lang ako. Baka makita ako nang nilalang na yun.
Di ko naman inasahan na magkaibang direksyon pala ang tatakbuhan naming apat nina Will, Max at Denisse. Nagkahiwalay tuloy kami. Nasan na kaya sila ngayon? Ano na ang gagawin ko?
“Denisse?” Narining kong may tumawag sakin sa di kalayuan. Kaya nilingon ko ito.
~~~~~
Lexi’s POV
“Di ba si Denisse yun, Lex?” Biglang sabi ni Will. Napatingin naman ako sa tinitingnan nya.
“Sya nga,” sagot ko kaya pinuntahan namin sya.
“Denisse?” Sabi ko.
“Lexi! Will!” Umiiyak si Denisse. Niyakap ko naman sya. Ganun din ang ginawa ni Will.
“Salamat naman at nagkita tayo,” sabi nito at pinunasan yung luha sa mga mata nya.
“Si Max?” Tanong ni Will.
“Di ko alam,” sagot ni Denisse. “Sana naman ligtas sya.”
Napabuntong-hininga nalang kami.
“Nakakatakot talaga ang nilalang na yun!” Wika ni Denisse.
Habol pa rin namin ang aming hininga dahil sa bilis ng takbo namin palayo sa nakita namin kanina.
2PM. Nakabalik na rin kami kung saan kami magkikita-kita. Expected na namin ni Will na may nangyari rito sa mga gamit namin. Di nga kami nagkamali. Nakabukas ang mga bag at nagkasira-sira ang mga damit namin. Nakakalat lahat. Maging yung mga pagkain ay di ko maintindihan sa sobrang kalat. May mga bakas pa ng mga dugo ang mga damo at ilang mga dahon ng mga halaman. Parang dinaanan ng bagyo ang itsura rito.
“Buti naman at narito kayo!” Muntik na kaming mapatalon sa gulat nang may nagsalita sa likuran namin. Di namin napansin ang pagdating nya dahil sa likod sya ng puno bumungad.
“Max!” Sabay naming sabi.
“Dumaan ako sa ibang direksyon pabalik dito,” sabi nya. “Sinuwerte naman ako dahil narito pala kayo.”
Narinig naman naming napabuntong-hininga si Max.
“Kamusta na kaya yung iba? Ano na kayang nangyari sa kanila? Yung kapatid ko kaya? Kahit masungit yun, grabe naman yun matakot,” malungot na banggit ni Max na may halong pag-aalala.
“Don’t worry, Max. Okay lang sila,” tinapik ko sya. “Kasama rin naman ni Clifford si bessy kaya alam kong safe yun.”
“Anong gagawin natin ngayon?” Tanong ni Will. “Sigurado akong mahahanap tayo ng nilalang na yun.”
Bago pa man may makasagot samin ay tanaw namin ang pagdating nila Erika. Gaya namin kanina, habol din nila ang kanilang hininga. Sinalubong naman namin sila ng yakap.
“Si Keith!” Umiiyak na sambit ni Vaness.
“Ha? Nasaan si Keith? Anong nangyari?” Tanong ni Max.
“Wala na sya,” naluluhang sagot ni Erika.
“Ano?” Sabay naman kaming nagulat.
“Bakit? Paano?” Dagdag na tanong ni Denisse.
“Kinain sya ng malaking ahas,” sagot ni Roy na medyo nahimasmasan na mula sa kakatakbo kanina. “Sobrang laki nito. Kaya nitong kumain ng tao nang buo. Gaya ni Keith.”
Tila parang gulat nalang yata ang palaging reaction namin sa mga pangyayari tuwing may isang magsasalita samin.
“Anyari rito?” Tanong naman ni Vaness.
“Ganito na rin pagdating namin dito eh,” paliwanag ni Denisse.
“Dapat hindi na tayo maghiwa-hiwalay. Alam nyo bang nangyari samin?” Sabi ni Will. “Aray! Ito naman!” Binatukan ko naman sya.
“Syempre, di nila alam. Tayo ang magkasama. Ano ka ba?” Sabi ko.
“May kakaibang nilalang dun sa napuntahan namin,” Max explained. “Sobrang nakakatakot yung itsura. Di ko alam pano ilarawan pero pag sa oras na makita nyo yun, halos hihimatayin kayo.”
“Tama sya,” I agreed. “Kaya kumaripas din kami ng takbo. Nagkahiwalay pa kami. Good thing we end up here safe and sound.”
“Just thinking about it, tumatayo talaga balahibo ko,” Denisse added.
“What should we do now?” Vaness aked.
Sa muling pagkakataon, bago pa man may makasagot ay may dumating na naman.
“Hailey! Clifford!” Salubong na sabi ko.
Pakiramdam ko kaming lahat ay nakatingin sa mga kamay ng dalawa. Pano ba naman kasi? Magka-holding hands sila. Sabay na sinundan nilang dalawa kung saan kami nakatingin. Nang mapansin nila ito ay sabay naman silang napabitaw at hindi makatingin sa isa’t isa.
“Uy! Kayo na pala ha!” Tukso ni Will. Nakangiti pa ito nang nakakaloko.
“Ano… M-mali kayo ng iniisip,” pagde-defend ni Hailey.
Lumapit naman at niyakap bigla ni Max yung kapatid nya. Napaka-protective talaga nitong si Max kay Hailey. Dama namin yung love nya sa kaibigan namin. Mga bata palang hanggang sa paglaki, pag napapaaway si Hailey sa iba, pinagtatanggol sya lagi ni Max. Gusto ko rin tuloy ng kuya gaya ni Max. Well, isang taon lang naman ang agwat nila ni Hailey.
Tsaka, parang dalawa na yung kuya ni Hailey dahil andyan din si Clifford. Minsan, naiisip ko ngang manhid ba tong babaeng to? Halata namang may gusto sa kanya si Clifford eh pero parang di nya pansin. Or sadyang pansin nya lang pero di lang nya pinapakita samin.
“Kuya,” umiyak na lang bigla si Hailey.
“Salamat naman at ligtas ka,” sabi ng kuya nya at bumitaw na rin ng yakap makaraan.
“Wala na sina Josh at Johnny,” nagulantang naman kami sa binanggit ni Clifford.
“Wala na rin si Keith. Tangina talaga!” Galit na sabi ni Roy at sinipa pa yung maliit na kahoy na nasa tabi nya.
Nalungkot naman kami sa balitang nalaman namin. Syempre, kaibigan namin eh.
“Anyari kay Keith?” Tanong ni Hailey.
“Kinain ng malaking ahas,” sagot ni Vaness. Lumaki naman yung mga mata nila Hailey at Clifford sa sinabi ni Vaness.
“Teka, anong nangyayari sa gubat na to?” Tanong muli ni Hailey. “Si Keith, kinain ng malaking ahas. Si Johnny naman, nahulog sa hukay at pagbalik namin, kinakain ng matandang babae ang lamang-loob nito at”
“Ano?” Sabay naming pinutol yung sinabi ni Hailey.
“Yung matandang babae dun sa bahay na nadaanan natin, sya yung pumatay kay Johnny kaya mag-ingat tayo,” sabi ni Clifford.
“Naku! Buti walang nangyari samin!” Sabi ko. “Napadaan kasi kami dun sa bahay kaya nagtanong kami kung saan yung tulay.”
“Si Josh naman, nakita namin sa puno. Parang kagagawan din ito ng matandang babae. Nakalabas din kasi mga lamang-loob nya eh. Pinakain pa yung iba sa kanya,” nandidiring sabi ni Hailey.
Sa kwento palang nila, parang masusuka na kami. Pano na kaya kung makita mismo ng mga mata namin?
“Kailangan na talaga nating makaalis dito sa gubat na to!” Sabi ni Max.
“Pero teka, nasan na ba sila Mica?” Tanong ni Erika.