The Strange Forest - Chapter 5
Third Person’s POV
“Nasan na naman kaya tayo ngayon?” Ang tanong ni Mica.
“Maglakad pa tayo nang konti baka makita na natin yung meet-up place natin,” ang sabi ni Sab.
“Pahinga na muna tayo saglit. Di ba kayo napagod?” Sambit naman ni Yunn.
“Sandali, sila na yata yun ah!” Wika naman ni Arthur at tinuro yung mga tao sa di kalayuan.
Agad naman nila itong pinuntahan. Aalis na sana ang mga kaibigan nila buti nalang sumigaw nang malakas si Mica. Umalingawngaw naman ang boses nito kaya rinig na rinig ng lahat ang sigaw nito.
“Sandali!” Muli nitong sigaw at sa wakas ay nagkalapit-lapit din ang lahat.
Nagtipon silang lahat sa medyo walang makakakita sa kanila. Nag-form sila ng bilog at naupo. Naglaan ng ilang oras para ipaliwanag kung anong nangyari sa iba nilang kaibigan na nawala na. Pati na rin ang mga napuntahan at nakasagupa nila. Labis din ang lungkot na kanilang nadama sa pagkawala ng tatlo nilang kaibigan. Kung noong una ay naligaw pa sila kung kaya’t naisipan nilang maghiwalay upang hanapin ang tulay palabas ng gubat pero dahil sa pag-uusap nila ngayon, mukhang naiintindihan na nang konti ni Clifford ang misteryo sa kakaibang gubat. Ngunit basic pa lamang ito.
Pinaliwanag ni Clifford sa mga kasama nya ang naintindihan nito.
“Kung sa North tayo pupunta, naroon yung hukay na sinasabi namin ni Hailey. Pwede nating makita yung matandang babae na pumatay kay Johnny at maaring ito rin ang may kagagawan sa pagkawala ni Josh pero di pa tayo sigurado roon.”
“Sa South naman, may isang lawa kung saan may humila kay Arthur sa ilalim ng tubig.”
Patuloy lang sa pakikinig nang mabuti ang lahat sa pagpapaliwanag ni Clifford.
“Sa West, nandun ang malaking ahas na kumain sa kaibigan nating si Keith.”
“Sa East naman ay naroon ang nakakatakot at kakaibang nilalang na may dalang palakol. Maaari rin nating makasalamuha ang matandang babae nung nagtanong kayo kung saan yung tulay. Siguro kakampi nya yung nilalang na sinasabi nyo kaya nya tinuro ang direksyong papunta sa kanya.”
“Di pa natin alam kung anong meron sa iba pang direksyon gaya ng Southwest, Southeast at iba pa. Ano sa tingin nyo? Saan tayo tutungo?”
Sandali munang natahimik ang lahat. Ninanamnam ang bawat detalye. Ilang saglit ay nagsalita si Max na syang bumasag sa katahimikan. “Maaari ring makatagpo natin ulit ang mga nilalang na yun sa ibang lugar na di pa natin napupuntahan. Kailangan talaga nating magdoble-ingat. Di tayo dapat maabutan nang gabi. Masyadong nakakatakot. Magtulungan tayo.”
“I think it’s okay na sa place like dun sa Southwest tayo pumunta. Yes, pwede nating ma-meet ulit ang mga yun pero if ever na hindi, let’s say may bagong nilalang. At least, alam natin kung ano pang meron di ba? Pero wag naman sana!” Suggest ni Lexi. “Pwede ring sa South nalang ulit tayo. Lake lang naman ang meron dun di ba? So, sa tubig lang yung nakakatakot.”
“May point si Lexi,” sang-ayon ni Roy. Napatango naman ang ilan.
“Let’s be vigilant nalang talaga anywhere we go dahil di natin alam kung ano pang misteryo meron dito sa gubat,” paalala ni Hailey.
“Somewhere in the South nalang tayo mauna. Masyadong nakakatakot sa may North,” ang sabi ni Mica. Nag-agree naman ang lahat kaya they settled themselves na at nag-ready sa paglalakbay.
~~~~~
Hailey’s POV
4:30PM na nang mapatingin ako sa wristwatch na suot ko. Napakaraming puno ang nadadaanan namin. Syempre, gubat eh. Kakaibang gubat. Sa halos kalahating oras na paglalakad namin ay wala naman kaming napansin at naramdamang kakaiba. Pero nang medyo lumalakas ang ihip ng hangin ay naging alerto kami. Medyo malamig dito sa gubat kaya ang lamig ng kamay ko. Nagulat naman ako nang biglang isinuot sa akin ni Kuya Max ang jacket nya.
“Para di ka ginawin,” sabi nya at ginulo nang konti yung buhok ko. Nginitian ko naman sya. Sobrang love talaga ako ng kuya ko. Ang swerte talaga ng magiging girlfriend nya. Magkaiba kami ng ugali pero natitiis pa rin ako ni kuya. Ganyan siguro talaga pag magkapatid.
Umihip na naman nang malakas ang hangin pero parang iba na yung ngayon kesa kanina. Di ko alam pero nakaramdam ako ng kaba at takot. Kaya naman dumikit ako kay kuya.
~~~~~
Third Person’s POV
Iba’t ibang tunog ang maririnig mula sa mga hayop sa gubat. May huni ng ibon na tila umaawit, may ingay ng mga kuliglig at maging ang labis na paggalaw ng mga dahon dulot ng hangin ay kapansin-pansin din.
“Woah! Deer yun di ba?” Sabi ni Sab kay Will nang lumingon-lingon ito sa paligid. Nasa huli ang dalawa kaya sila lamang ang nakapansin sa usa sa may di kalayuan.
“First time ko makakita ng deer,” masayang wika ulit nito. “Will, picture-an ko lang saglit hah? Dyan ka lang sa tabi ko.”
“Baka wild yan. Atakihin pa tayo bigla,” sabi naman ni Will.
“Di naman natin lalapitan eh,” pagpupumilit nito.
“Sige, bilisan mo lang ah? Baka maiwan pa tayo ng mga kasama natin,” wika ng lalaki. Nilibot-libot muna nito ang kanyang tingin. Yung mga kaibigan naman nila ay nasa unahan na sa di rin kalayuan.
“Nasan ba yung phone ko?” Tanong ni Sab habang isa-isang dinukot kung ano mang laman ng kanyang bulsa. Nang makuha na nito ay binuksan nya yung camera at kukunan na sana nya yung usa pero bigla naman itong naglaho na parang bula sa kinaroroonan nito.
“Will? Nasan na yung deer?” Tanong nya.
“Andyan langHah? Dyan lang yun kanina ah?” Sabi nito na nakaturo kung saan yung usa kani-kanina lang.
“Baka nagtago. Teka lang hah?” Sambit ni Sab at tinungo kung saan yung usa kanina.
“Deer? Where are you?” Nagpalakad-lakad lamang sya at hinanap ito. “There you are!” Pagkakita nya sa usa ay kinunan nya agad ito ng pictures.
“It’s so adorable!” Sabi nito nang tingnan nya yung mga litratong nakunan nya.
“Will, ting” Paglingon nya sa kaibigang lalaki ay nagulat na lamang sya nang nakasabit na ito sa isang puno nang patiwarik, duguan at nagsilabasan yung mga lamang-loob.
Nagsisigaw naman si Sab sa takot at napatakbo sa unahan upang sundan ang mga kasama nya pero natumba ito. Natanaw nya ang pagkatali ng mahabang vines sa mga paa nito. Nakapulupot ito sa mga paa nya at hinihila sya nito palayo kaya hindi nya magawang tumayo. Narinig ng mga kasama nya ang pagsigaw nito na agad din namang naglaho.
“Narinig nyo ba yun?” Biglaang tanong ni Yunn nang mapahinto sila sa paglalakad.
“Nasan si Sab?” Tanong ni Hailey matapos mapansing kulang sila. “Si Will?”
Nagpalingon-lingon naman sila at napagtantong wala nga ang mga ito. Kaya naman nilakad ni Arthur ang daan pabalik. Sumunod naman sila. Nakakaramdam na rin sila ng masamang kutob dahilan para magmasid sa paligid, bagama’t di pa nila tuluyang nalalaman ang iba pang hiwaga o misteryo sa kakaibang gubat.
“Guys, I think we need to go ahead na. Look!” Saad ni Lexi na nakatutok sa napansing bakas ng dugo sa naghalo-halong lantang mga dahon galing sa mga puno. Naluha naman ang iba sa mga iniisip nila sa kung anong nangyari kina Sab at Will. Humagulgol pa ng iyak si Mica sapagkat sya pa naman ang pinaka-close kay Sab. Gayundin si Lexi dahil nahuhulog pa naman ang loob nito kay Will.
Pagkalingon ng lahat sa may gilid nila ay sabay-sabay silang nagulat at nasindak sa nakita. Hindi tuloy magawa nang iba na tingnan pa ang kanilang nasaksihan. Ang kaibigan nilang si Will ay nakasabit nang patiwarik sa sanga ng puno at gayundin si Sab sa kabilang sanga nito. May ilang patak pa ng dugo na umagos mula sa hiwa at mga sugat ng mga ito. Kinuha ni Mica ang phone ni Sab na nakita nya sa damuhan at agad nilang nilisan ang lugar.
5:47 PM. Unti-unti nang lumubog ang araw. Napadpad sila sa stream sa bandang Southeast ngunit kung ipagpatuloy nila ang paglalakbay ay maaring mapunta sila sa South kung nasaan ang lawa. Kapag naman hindi nila susundan ang stream ay posibleng sa bahagi ng East sila mapunta na may nakakatakot na nilalang na syang pinakaayaw nilang makita.
~~~~~
Hailey’s POV
Isa-isa naming sinundan si Arthur na nangunguna. Sinusunod lang namin kung saan ba patungo ang stream na nilalakbay namin ngayon. Di naman kami makadaan na roon sa dinaanan namin kasi masyadong marami at mahaba na yung mga damo at shrubs. Ang kati pa sa balat kaya wala na kaming choice kundi sa stream na to.
Malapit na talagang dumilim at hindi pa rin kami nakakaalis sa gubat na to. Masyadong mapanganib pag gabi. Dahan-dahan lang kami sa pagtapak sa may gilid dahil napakaraming bato rito. May malalaki, maliliit at may katamtaman lang. Dinig din ang mahinang pag-agos at pagdaloy ng tubig sa stream. Naisip ko rin na sa sobrang ganda ng kalikasan, medyo nakakatakot din pala.
Natigilan ako sa kung anu-anong iniisip ko nang marinig kong may tumikhim sa likuran ko.
“A-Ano… kasi… may itatanong lang sana ako,” sabi nya. Boses pa lang alam ko na kung sino.
“Ano yun?” Sabi ko nang hindi sya nilingon. Yung iba ay patuloy pa ring nagchi-chitchat habang tumatahak kami rito. Nasa hulihan kami ni Clifford.
“Ba’t ka pala nag-ano… nag-reply sa message ko… n-nung nag-chat ako sayo?” Napahinto naman ako sa tanong nyang yun.
“Ah… e-ewan ko… h-hindi ko alam. Sinipag yata yung mga kamay ko. Hehe!” Ba’t ako nauutal gaya nya? Tsaka, anong klaseng sagot yun? Nagulat naman ako nang nasa tabi ko na sya. Nakatayo kami sa malaking bato. Humarap sya sakin.
“Ang sungit mo pa rin talaga kahit sa chat,” sabi nya at tumingin sakin. “Pero alam mo, masaya na ako dahil nag-reply ka.” Nakita ko naman syang tumawa nang bahagya na syang gustung-gusto kong marinig. Para itong music sa tainga ko. Maganda naman talaga ang boses nya, napaka-manly at bagay sa kanya dahil sa kagwapuhan nya.
“Uy! Nakikinig ka ba?” Sabi nito kaya agad akong bumalik saking sarili. Masyado na pala akong nakatitig sa kanya. Nakakahiya.
Pinagpatuloy naman namin ang pagtapak sa mga bato. Muli na naman syang nagsalita. “Ba’t kasi ang sungit-sungit mo, lalo na sakin?”
Naalala ko tuloy yung reason bakit mas masungit ako sa kanya. Kaya naisipan kong kausapin sya.
“Sino ba yung kasama mong kumain noon sa restaurant sa tapat nung school natin?” Tanong ko. Nakita ko kasi sya noon sa isang restaurant nung napadaan ako. Nagtatawanan sila. May kasama syang babae na di ko kilala.
Bago pa man sya makasagot ay nadulas ako bigla sa isang malaking bato buti na lamang at nahawakan nya ko sa bewang at yung mga kamay ko naman ay nasa balikat at braso nya kaya magkadikit kami ngayon. Muntik na kong mahulog sa tubig. Pero bumilis ang tibok ng puso ko dahil masyadong magkalapit yung mga mukha namin. Doon ko napansin nang malapitan ang mukha ni Clifford. Ang kapal ng kilay nya, mahaba ang eyelashes, malinaw na mga mata. Yung ilong naman ay matangos. Nagulat na lang ako nang mapunta yung tingin ko sa mga labi nito. Napalunok ako bigla. Napansin ko rin yung paggalaw ng Adam’s apple nya.
Halos mapabalikwas naman kami sa gulat nang bigla kaming tinawag ng mga kasama namin. Napabitaw naman agad kami sa isa’t isa at nag-iwasan ng tingin. Masyado na pala kaming nakatitig sa isa’t isa.
“Hoy! Kayo ha? Ano yun?” Dinig kong sabi ni Denisse na may nakakalokong ngiti.
“W-Wala,” sagot ko. Napakagat-labi naman ako. Ba’t ako nauutal?
“Ano ka ba, Denisse? Inistorbo mo naman. Malapit na sana eh!” Napairap na sambit ni Lexi kay Denisse. Nakangisi naman yung mga lalaki.
“Tumigil nga kayo dyan!” Ako naman ang napairap sa kanilang lahat. Napahawak naman sa batok nito si Clifford na animo’y nahihiya. Nagpatuloy na kami sa paglakbay. Pansin ko naman na parang may iniisip si Clifford.
“Ahh! Naalala ko na,” biglang saad nya. “Ka-groupmate ko yun sa project namin sa business management,” saad ni Clifford na nasa tabi ko pa rin. Yun pala ang iniisip nya?
“Eh ba’t ang sweet nyo?” Inis na sabi ko. Huminto kaming dalawa at nagkaharap.
Pinagmasdan naman nya ako. “Hmmm… nagseselos ka ba?” At nakangisi na ito.
“Ano?” Gulat na sabi ko. “Hindi ah! Asa ka!”
“Ganito yun,” pahayag nya. “Nag-lunch muna kami. Lima kami roon sa restaurant. Nag-order ulit yung isang lalaking kasama namin dahil papunta rin daw yung isa pa naming isang lalaki. Yung isang babae naman ay nandun sa restroom kaya kami yung naiwan. May nabasa syang meme sa facebook kaya pinakita nya sakin. Kaya natawa kami. Pinakita nga namin yun sa ka-groupmates namin pagbalik nila eh!”
Natameme naman ako sa haba ng paliwanag nya. So, all this time akala ko pala kung sino yung babae? At baka may gusto sya sa babaeng yun. Mali pala yung mga inisip ko. Napahiya tuloy ako.
“Ano ba kasing akala mo noon?” Nakangising sabi nya. “Kung anu-ano kasi iniisip mo.”
“A-Akala ko kasi… ano… kalimutan mo na nga yung sinabi ko. Nakakainis ka!” Napanguso nalang ako. Walang hiya talaga! Tumawa naman sya. Napangiti naman ako.
Sa pagkakataong to, may na-realize ako. Bakit ngayon pa? Bakit sa ganitong pagkakataon ko pa nare-realize na gusto ko pala sya? Kaya ba ako nagseselos sa kasama nya noon dahil gusto ko sya? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa na kung kailan di namin alam kung makakalabas pa kami nang buhay rito sa gubat na to?
“Hailey?” Napalitan naman ng pag-aalala yung tawa nya. “Okay ka lang?”
Pinunasan naman nya yung tubig na nasa mukha ko. Di ko namalayang naluluha na pala ako sa gitna ng realization ko.