The Strange Forest - Chapter 8
Mica’s POV
“Oh my gosh! Where are we, Roy?” I asked. We ran to the same direction kasi.
“Di ko alam,” tipid na sagot nya. Tinignan ko muna yung paligid baka merong kakaiba. I covered my mouth out of shock when I realized where we were.
“Nasa Liyong Falls tayo,” I said. Nakita ko kasi at dinig ko yung pag-agos ng tubig mula sa taas pababa. Tsaka, kumikidlat naman kaya naaninag ko ang paligid. Medyo giniginaw ako sa lamig. Umuulan pa rin kasi.
“Wag na tayong bumalik doon. Baka mamatay tayo,” narinig kong may nagsalita sa di kalayuan. Napagtanto kong nasa may pampang sya. Nasa pampang si Roy. Teka, lumapit ako sa kanya. I covered my mouth out of shock. There was another me? At nakikipag-usap sya kay Roy. Oh my gosh! What’s happening?
“Roy, she’s not Mica! I’m the real Mica!” I said to him loudly. Napatingin naman sya sakin at bumalik ulit sa taong nasa harapan nya. Tingin ko nalilito sya kung sino samin ang totoong Mica.
“Wag kang maniwala sa kanya! Ako si Mica!” Sabi nung babae sa kanya.
“No! Don’t believe her! I am the real Mica, Roy! Impostor yan!” I shouted.
Lumayo si Roy sa babae pero nahawakan sya nito agad kaya napatingin sya sa kanya.
“Saan ka pupunta?” Sabi ng babae. Sabay kaming nagulat ni Roy nang nag-ibang-anyo ito. Oh my! Sya yung babae roon sa bahay. Yung ate ng bata.
“Bitawan mo ko!” Sigaw ni Roy at hinahawakan yung kamay ng babae na sumasakal sa kanya. Umuubo pa si Roy. Hindi ko naman maigalaw yung mga paa ko para lapitan pa at tulungan si Roy.
“Hoy! Bitawan mo sya!” Sigaw ko na natatakot pa rin. Hindi ako pinansin ng babae instead she walked backwards with her hands on Roy’s neck. Sa wakas ay naigalaw ko rin yung mga paa ko at tumakbo ako palapit sa kanila pero bago pa man ako makalapit ng tuluyan ay sabay na tinangay ng babae si Roy and they both fell doon sa tubig.
“Roy!” I cried.
~~~~~
Vaness’s POV
Binuksan ko ang mga mata ko. Umaga na pala? Wait! Nasan ako? I found myself lying on the ground with blood all over it. Napabangon ako bigla at nilibot ang paningin ko sa paligid. Wala namang kakaiba. Tumayo nalang ako at naglakad-lakad na parang pilay. Ang sakit ng mga paa ko. Nagulat nalang ako nang may tumulong dugo sa lupa na galing sa mukha ko kaya hinipo ko ito ng mga kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga kamay ko na may dugo. Kaya tumakbo ako sa pinakamalapit na lugar na may tubig.
Napaluhod ako at sinimulang maghilamos. Sobrang dami naman ng dugo. Sa gitna ng paghihilamos ko ay may naramdaman akong something sa dalawang pisngi ko kaya mas hinawakan ko ang mga ito. May nahipo akong mga guhit kaya sinundan ko ito gamit ang mga daliri ko.
“Oh my gosh!” Bulalas ko nang ma-realize ko kung ano yung marka. May “X” sa magkabilang pisngi ko. Dali-dali ko na namang binasa ang mukha ko dahil dumadami na naman ang dugo. Naiiyak na ako. Saan ba to galing? Wala akong matandaang bagay na nangyari para magkaroon nang ganito. Is it my karma now for what I’ve done to Erika?
I looked at my reflection on the water. Napakunot yung noo ko. I saw myself pero ba’t parang kakaiba? Parang hindi ako. Inilapit ko pa nang konti yung mukha ko sa tubig para makita pa nang malapitan.
“Waaahhh! Help! Help” May humila bigla sa buhok ko mula sa tubig kaya nahulog ako. Bakit ang lalim? Hindi ako makahinga. Kinaway-kaway ko pa yung mga kamay ko baka sakaling may makakita sakin.
Nasa tubig na ang buo kong katawan. Mula ulo hanggang paa ay nasa tubig na. May humihilang mga kamay sa mga paa ko. Tsaka ko lang nalaman na ito yata yung lawa. Unti-unti akong nanghina. Hindi na ako makahinga. Hanggang sa di ko na alam ang sumunod na nangyari.
~~~~~
Max’s POV
Nang idilat ko ang aking mga mata ay nakita ko ang nagsitaasang mga puno. Nasa kakahuyan pala ako. Agad akong bumangon. Nasan na kaya yung kapatid ko. Lagot talaga ako nito.
Nagsimula akong maglakad. Di ko alam saan ako papunta. Napahinto lang ako nang may marinig akong nagsisibak. Nagtago ako sa likod ng puno at dahan-dahang tiningnan ang nagbibiyak. Sa unang tingin ay wala akong nakita pero mayroong maliit na bahay dito at may apuyan sa labas pero ilang hakbang lang ang pagitan nito sa bahay. Lumaki ang mga mata ko sa nakita nung marinig ko na naman yung nagsisibak.
“Shit!” Napasapo ako bigla. Ba’t sa lahat ng lugar dito sa gubat ay dito pa ako napunta kung saan nakatira yung kakaiba at nakakatakot na nilalang? Diyos ko! Tulungan Nyo po ako. Ayoko pang mamatay.
Di naman talaga ako masyadong matakutin na tao pero sinasabi ko sa inyo na kapag kayo yung nakakita sa itsura nya ay matatakot talaga kayo nang sobra.
Nagulat ako nang biglang huminto sa pagsisibak yung nakakatakot na nilalang. Tinitignan nito ang paligid ngunit hawak pa rin nito ang palakol. Agad akong umupo at nagtago nang maayos sa likod ng puno at mga halaman na di ko lang kung ano ang tawag. Baka kasi mapunta yung tingin nya rito at makita ako. Kinakabahan talaga ako.
~~~~~
Hailey’s POV
“Hailey…”
“Hmmm…”
“Hailey, gising na.”
“Hmmm… inaantok pa ko.”
“Sige, mukhang nag-e-enjoy ka naman sa pagyakap sakin eh,” sabi ng nagsasalita. Dinig ko pang tumawa ito nang marahan.
Napamulat ako bigla sa sinabi nya. May naririnig akong tumitibok. Wait, nakapatong pala ulo ko sa may dibdib nya. Tapos, nakayakap pa ko sa kanya. Ganun din sya sakin. Tsaka, nang mapatingin ako sa paanan ko. Oh my gosh! Nakadantay yung isa kong paa sa ibabaw ng paa nya. Napabalikwas naman ako ng bangon at lumayo nang kaunti sa oras na matanto ko yung position namin. Nakita ko naman syang naka-smirk.
“Ano?” Pagsusungit ko at tiningnan sya nang masama.
“Wala! Himbing ng tulog mo. Nabitin ka pa ata.” Nakangisi lang ang loko. Tumayo na ako at nagpagpag. Ganun din sya.
“Aba! Ikaw nga yang yakap nang yakap sakin eh. Di mo man lang ako ginising agad.”
“Talaga? Eh ano ba yung ginawa ko? Kanina pa kita ginising uy pero ayaw mo pa ring bumangon. Tsk!”
Hindi naman ako makapagsalita. Oh sya! Sya na yung tama.
“Saan na tayo ngayon?” Biglang tanong nya. I just shrugged. Di ko rin alam.
“Tara!” Sambit nya at nilagay yung isa nyang kamay sa kabilang balikat ko para ilapit ako sa kanya at hinatak ako palabas ng kweba. Naglakad-lakad lang kami. Sya lang yung nasusunod kung saan kami papunta.
“Ano na kayang nangyari sa kanila, noh?” Sabi ko na nag-aalala. “Sana okay lang sila. Miss ko na si Kuya Max.”
“Sana nga, okay lang sila.”
Sa nilayo-layo ng paglalakad namin ay may napansin kaming tao roon sa di kalayuan. Napaupo naman kami ni Clifford para hindi kami makita. Tiningnan namin nang maayos kung sino ito. Kagaya namin ay mukhang nagtatago rin ito. Nasa likod kasi sya ng puno at mga halaman at parang may sinisilip sya. Kaya naman lumingon ako kung saan sya nakasilip.
“Oh my gosh!” I covered my mouth. Kinalabit ko si Clifford na nasa tabi ko. “Clifford, yung nakakatakot na nilalang,” Mahinang sabi ko. Napatingin naman sya roon. Pagkakita nya ay hinawakan nya agad ang kamay ko.
Napansin naming lumipat ng ibang kahoy yung tao sa di kalayuan. Tsaka lang namin napagtanto kung sino nang magtama ang aming mga mata.
“Kuya…” sambi ko kaya narinig ito ni Clifford. “Clifford, si Kuya Max.”
Sinenyasan kami ni Kuya na lumayo. Lumipat na naman sya ng pwesto. Ngayon ay medyo malapit na sya samin. Umatras kami ni Clifford gaya ng sabi ni Kuya. Tumingin kami ulit kung saan yung nakakatakot na nilalang. Kinabahan ako bigla nang wala na ito sa kinaroroonan nito kanina.
“Nasan na yun?” Pabulong na sabi ni Clifford.
“Andyan lang yun kanina ah,” sabi ko. Lumingon-lingon kami sa paligid at nagulat kaming tatlo nang makita na namin ito na nakatayo malapit samin. May hawak pa itong palakol.
Napasigaw ako sa takot at napaatras sa puno. Malakas ang kabog ng dibdib ko lalo na at lumapit pa ito kay Kuya. Napaatras si Kuya sa likuran nya.
“Kuya…” di ko namalayan na umiiyak na pala ako. “Clifford, anong gagawin natin?”
“Dito ka lang. Okay?” Tumango ako sa sinabi nya. Kumuha sya ng kahoy na nasa paligid lang. Lumapit ito sa likuran ng nilalang. Doon namin nakita ang nakasulat sa likod nito. “Karyas?” Mahinang sambit ko nung binasa ko.
Siguro, Karyas ang pangalan ng nilalang na yun. Nakadikit na si Kuya sa puno kaya kita ko ang takot sa mga mata nya. Nasa harap na nya si Karyas.
“Kuya!” Sigaw ko. Bigla kasing tinaas ni Karyas ang palakol gamit ang dalawang kamay nito at sinibak kay Kuya Max pero tumama ang palakol sa kahoy dahil sa pag-ilag ni Kuya. Kung hindi nya ito nagawa ay siguro natamaan ito sa ulo.
Nakalapit na si Clifford sa likuran ni Karyas at sinipa ito. Hinampas pa nya ang kahoy kay Karyas dahilan para matumba ito. Kumuha naman ng kahoy si Kuya. Tumayo si Karyas at hinagis nito ang kahoy kay Kuya kaya nadaplisan si Kuya sa braso nya. Napahawak si Kuya rito dahil sa sakit. Kita ko rin ang pagtulo ng dugo mula roon sa sugat nya.
Hinampas na naman ni Clifford si Karyas kaya lumingon ito sa kanya. Kinabahan na naman ako. Sinugod bigla ni Karyas si Clifford at nag-agawan ang dalawa sa kahoy na hawak ni Clifford kanina. Sinipa ni Karyas si Clifford kaya natumba sya. Yung kahoy naman ay hawak na ni Karyas at ipupokpok na nya kay Clifford pero gumulong si Clifford para umilag. Nagulat na lamang ako nang magtama ang tingin namin ni Karyas kaya natakot ako at nanginig.
Tumakbo sya palapit sakin at ako naman di ko maigalaw ang katawan ko. Gusto ko ring tumakbo pero di ko maihakbang ang mga paa ko. Napapikit nalang ako at yumuko.
Pero may narinig ako kaya idinilat ko ang mga mata ko. Sumigaw ako dahil nasa harap ko ang itsura ng nakakatakot na nilalang. Nakakadiri! Nasa likod nya si Kuya na hawak-hawak ang palakol at tsaka ko lang napansin na tinamaan pala si Karyas sa likod.
“Hailey, lumayo ka dyan!” Pagkasabi ni Kuya noon ay lumayo ako sa halimaw.
Kinuha ni Clifford yung kahoy at pinukpok sa ulo si Karyas. Pero bakit ganun? Parang wala lang sa kanya. Pansin ko naman yung dugo na umagos sa likod nya. Hinampas bigla ni Karyas si Kuya at Clifford gamit ang malaki nitong mga kamay kaya tumilapon silang dalawa sa magkabilang direction.
“Clifford! Kuya!”
Napahawak si Kuya sa braso nya, yung nadaplisan ng palakol kanina. Tumutulo ang dugo nito. Kita ko ring nanghihina na sya at humihingal sa pagod. Si Clifford naman ay pilit na tumayo at napasandal saglit sa may puno, hawak ng kamay nya ang kanyang tiyan. Mukhang nasaktan din sya sa hampas ng halimaw kanina. Kinuha ni Karyas ang palakol kaya di ako nagdalawang-isip na kumuha ng malaking bato at binato ko sya. Tumama naman ito sa ulo nya kaya nabitawan nya yung palakol at napaupo, hawak ang ulo nya kung saan sya natamaan.
Nilapitan sya ni Kuya at Clifford. Kinuha ni Clifford yung palakol, kay Kuya naman yung kahoy. Pagkahampas ni Kuya ng kahoy at kasunod noon ay ang pagsibak ni Clifford ng palakol sa katawan ni Karyas kaya napaungol ang halimaw nang malakas, dahil siguro sa sakit. Mukhang nagalit yata ito kaya kahit anong hampas ni Kuya ng kahoy ay nahawakan nito ang kahoy at binali. Hinila nya si Kuya palapit sa kanya at agad na nahawakan ang leeg ni Kuya gamit ang malalaki nitong mga kamay. Sinibak ulit ni Clifford yung palakol sa likod ni Karyas at umungol na naman ito nang malakas. Pero hindi pa rin nito binitawan si Kuya. Umuubo pa si Kuya at pilit na nanlalaban sa mga kamay ni Karyas upang bitawan sya nito pero mas humigpit ata ang pagkakasakal nya kay Kuya. Dinukot muli ni Clifford ang palakol at sa ngayon ay pinalo nang malakas sa ulo ng halimaw kaya nabitawan nya si Kuya at natumba ito at nakahandusay.
Agad akong lumapit sa kanila at tinulungan si Clifford na iakbay si Kuya sa balikat para ilayo nang kaunti sa halimaw.
“Max, okay ka lang?” Sabi ni Clifford nang isandal at pinaupo namin sya sa isang puno.
“Kuya…” naiiyak ako. Tumutulo na mga luha ko.
“H-Hailey…” hinawakan pa nya mga pisngi ko at pinunasan yung luha ko.
“Kuya, wag ka nang magsalita. Okay? Ipahinga mo muna sarili mo. Magiging okay din ang lahat.” Niyakap ko sya nang mahigpit.
“Hailey, dalhin na natin sya. Baka tumayo ulit yung halimaw. Kailangan na natin umalis.”
Pagkasabi ni Clifford noon ay bumitaw ako ng yakap kay Kuya. Kinuha nya ang isang kamay ni Kuya at pinaakbay sa kanya. Inalalayan nya ito sa paglalakad. Tinulungan ko naman sila para mas madali kaming makalayo. Tinignan ko muli yung halimaw na si Karyas. Nakahandusay pa rin ito pero medyo gumalaw kaya sinabihan ko si Clifford at Kuya na magmadali kami.