The Strange Forest - Chapter 9
Lexi’s POV
So, umaga na pala. Nakita ko na lang ang sarili kong nakasandal sa isang puno. Ay! Syempre, nasa gubat nga eh. Medyo inaantok pa ‘ko. Buti walang nangyari sa’kin habang tulog ako. I decided na tumayo na.
“Psst!”
Wait. I heard something from the left. What was that? Or who was that? Hindi. Baka tunog lang ‘yan ng isang hayop dyan. Lumingon ako sa kaliwa pero wala namang kakaiba. Nagkamali lang siguro ako.
“Psst!” As I took three steps forward, muli na naman akong nakarinig. This time, it was from the right. I took a deep breath. Ang aga pa para may manakot sakin hah! Kinakabahan ako. Baka ako na ang susunod na mamamatay. Ready na ako. Pero, hindi ako papayag na wala akong gagawin. I must do something. We never know, I might survive and get myself out of this strange forest.
“Psst!” I felt my heart beating so fast. Nasa magkabila na ang naririnig ko. Anong gagawin ko? Pinagbuti ko ang reflexes ko at nakiramdam para kung biglang may umatake sakin ay mailagan ko agad.
“Psst! Psst!” Napatakip ako ng tenga dahil mas lumapit at mas nakakarindi yung pagsitsit sakin. Para akong mabibingi.
Tumakbo ako nang mabilis at lumilingon sa kung saan-saan. Di ko na alam ang nangyayari sakin. Mukha na akong baliw. Umiiyak, tumatawa, sumisigaw, nagagalit, kinakausap ko na ang sarili ko. Hanggang sa mabunggo ako sa isang matigas na bagay at kita ko sa kahulihan ang pag-ikot ng paligid. Then, everything went black.
~~~~~
Mica’s POV
“Oh my gosh! Lord!” I exclaimed as I covered my mouth. Hindi ako makapaniwala. Nakikita ko na ang tulay. Naiiyak ako. Hindi ko naman nakasalubong yung matandang babae na pumatay kay Johnny. Siguro sa kabilang direksyon itong nadaanan ko. Medyo kinabahan ako ngayon dahil kita ko na ang tulay. Baka biglang may mangyari na di ko inaasahan.
Nagdadalawang-isip ako kung lalakad na ba ako. Pano na yung mga kaibigan ko? Kamusta na kaya sila? Okay lang ba sila? Namalayan ko na lang na umiiyak na pala ko nang madama kong may tumutulo na mga luha sa mga mata ko. Sumasakit yung ulo ko sa kakaisip.
Lord, what am I gonna do now? Hindi ko yata kayang lumakad papunta sa tulay nang wala akong kasama kahit isang kaibigan man lang. Napasapo ako sa noo ko at napaupo. Mamamatay na rin ba ako rito?
~~~~~
Hailey’s POV
Napahinto kami nang bumungad saming harapan ang dalawang daan. Hindi namin alam kung saang direksyon na kami napunta. Kung saan-saan na kami tinatangay ng mga paa namin makalayo lang sa halimaw na Karyas na yun.
“H-Hailey… F-Ford…” pilit na pagsasalita ni Kuya. “Iwan nyo na ko rito. K-Kailangan nyo ng u-umalis.”
“No, Kuya!” Pagtutol ko. “Hindi ka namin iiwan. Kaya natin to.”
“Saan tayo dadaan?” Baling ko kay Clifford. “I’m bad at directions and poor yung decision-making skills ko.”
Nakita ko namang naka-smirk ang loko at parang di makapaniwa. Eh ano ngayon? Totoo naman yung sinabi ko ah!
Natigilan kami saglit nang humangin. Medyo kakaiba ito dahil parang isa-isang nagsigalawan yung mga dahon ng mga puno. Napakalamig pa ng hangin na to.
“Dito tayo,” sumenyas sya na sa kanan kami. Tinungo namin yun. After about half an hour, nakita naming may isang babaeng nakahandusay sa daan. Nilapitan ko sya kaya si Clifford na yung umalalay kay Kuya.
“L-Lexi?” Bulalas ko nang hinawi ko yung buhok nya na naco-cover yung mukha nya. “Lexi, wake up!” Ginalaw-galaw ko pa sya para magising. “Lexi!”
Napansin kong napadilat na sya ng mata. “Lexi, ako to. Si Hailey,” sabi ko. Nagising na sya nang tuluyan.
“H-Hailey…”
“Lexi…”
“Hailey! Ikaw nga!” Agad naman nya kong niyakap pagkabangon nya. Umiiyak pa kaming dalawa. “Kayo lang ba?” Tanong nya pagkakita kina Clifford at Kuya.
Tumango ako. “Nakita lang din namin si Kuya. Nakatakas kami roon sa nakakatakot na nilalang. Yun din ang dahilan kung bakit nasaktan si Kuya at Clifford.”
“Tara na,” sabi ni Clifford. Tinulungan ko si Lexi na makatayo.
“Buti naman safe kayo,” sabi ni Lexi nang maglakad kami. “Yung iba kaya, nasan na kaya sila?” Alam ko nag-alala sya, halata naman sa boses nya. I just sighed in despair.
“M-Mica…” bulong kobsa sarili ko. “Mica!” Sigaw ko kaya napatingin sila sakin. “Nakikita ko si Mica. Alam kong si Mica yun.”
Wait, anong ginagawa nya roon? “Mica!” Muli kong sigaw kaya napatingin sya rito samin.
“Hailey!” Tumakbo sya papunta samin, umiiyak. Niyakap nya ko nang mahigpit. Ganun din si Lexi. Tinapik naman nya si Clifford at Kuya. “Max? Anong nangyari sa inyo, Clifford?” Tanong nya nang mapansin ang condition nila.
“Karyas,” sagot ko. “Yung nakakatakot na nilalang. Nakita namin ang Karyas sa likod nya kaya we assumed na name nya yun.”
“Buti nakaligtas kayo roon,” di makapaniwalang sambit nya. “Nakita ko na yung tulay. Natatakot kasi akong dumaan doon kasi feeling ko napaka-unfair kung ako lang mag-isa at wala kayo. Di ko kaya.” Pinunasan nya ang luha nya. “Kaya sobrang thankful ko dahil nagkita tayo. Tara na! Baka kung ano pang mangyari satin dito.”
Sinundan namin si Mica patungo roon sa tulay na nakita nya kanina. Malapit lang pala kami sa tulay. Good thing tama yung daan na tinahak namin.
“Sige na, mauna na kayo,” sabi ni Clifford samin.
“No, mauna na kayo ni Max,” tugon ni Lexi. “Masyadong nanghihina si Max kaya kayo na muna. Susunod kami.” Tumango naman si Clifford.
“Ingat kayo, hah?” Sabi ko. Nginitian nya ko. Nakaakbay pa rin si Kuya sa kanya para alalayan nya si Kuya.
Delikado pag magsabay-sabay kaming dumaan sa tulay. Kahoy lang kasi ito at mukhang matagal na, baka masira pa. Nung dumaan nga kami rito nung una ay paminsan-minsan nag-sway pa na parang duyan.
“Okay ka lang, Lex?” Dinig kong tanong ni Mica kay Lexi. Pansin ko rin kanina pa sya di mapakali.
“Ano kasi… bago nyo ko nakita roon, Hailey,” panimula nya, “may sumisit kasi sakin. Tapos lumapit ito nang lumapit sakin hanggang sa nagsisigaw na ko. Nakakabingi yung sitsit na yun kahit anong takip ko ng tainga. Di ko na alam ang sunod na nangyari.”
Nagkatinginan naman kami ni Mica at feeling ko kinabahan din sya gaya ko. Malapit ng makatawid sila Kuya at Clifford. Hanggang sa nakatawid na rin sila sa wakas.
Sinenyasan namin si Lexi na sumunod na sya. Nagdadalawang-isip pa sya pero sumunod din.
“Dahan-dahan lang, hah?” Sabi ko. “Ingat ka.” Ngumiti muna sya samin bago humakbang sa tulay.
“Sino susunod satin, bes?” Tanong ni Mica nang nasa gitna na ng tulay si Lexi.
“Ikaw na, susunod ako.”
“Sigurado ka?”
“Okay lang ako. Wag kang mag-alala.” Tinapik ko sya sa balikat at nginitian.
“My gosh! What’s happening?” Napalingon kami kay Lexi. The bridge was swaying.
“Wag kang matakot. Just continue!” Sigaw ni Clifford sa kabila.
“Naku! Malalim pa naman siguro yung ilog!” Sabi ni Mica.
“Karugtong kaya to sa ilog satin?” Naisip kong tanong. Napatingin kami sabay ni Mica sa ilog pagkasabi ko noon.
“Hailey! Mica!” Tawag samin ni Lexi na nakatawid na pala. “Bilisan nyo na! Dali! Yung matandang babae!”
“Ano?” Sabay naming sigaw ni Mica.
“Nasa likuran nyo yung matandang babae! Bilis!” Si Clifford naman yung sumigaw.
Napatingin kaming dalawa ni Mica sa likuran namin. Nasindak kami pareho. Nasa likod pala namin yung matandang babae pero medyo malayo-layo sya samin. Naglalakad ito papunta samin.
“Mica, sige na!” Sambit ko. Humakbang agad sya sa tulay.
“Hailey, sunod ka na. Baka abutan ka pa nya,” banggit nya nang hindi nakatingin sakin.
“Natatakot ako. Baka masira yung tulay at mahulog tayong dalawa,” sabi ko at muli ko na namang nilingon yung matanda. Sya yung pumatay kay Johnny. Malapit na ito sakin.
“Bes, sige na! Please!” Naririnig ko na ang pag-iyak ni Mica sa boses nya kahit di sya nakatingin sakin. Malapit na yung matanda. Napapikit ako at huminga ng malalim.
“Hija, tulungan mo ko,” nagsalita yung matanda.
“Oh my gosh!” Kita ko ang pag-alala at kaba na bakas sa mga mukha nila roon sa kabila. Si Mica ay nasa gitna na ng tulay.
“Hija.”
Kahit hindi pa nakatawid nang tuluyan si Mica sa kabila ay humakbang na ako sa tulay. Natatakot akong maabutan ng matanda. Masyado syang nakakasindak at baka mapatay ako. Nanginginig yung mga paa ko habang humahakbang. Sa bawat hakbang ko naman ay umuugoy yung tulay.
Malapit na si Mica sa kabila. Ako naman ay malapit pa lang sa kalahati. Lumingon ako sa likuran at nakita ko na nandun na yung matanda sa kinatatayuan namin kanina. Tatawid din ba sya? Kinakabahan ako.
“Hailey, bilisan mo!” Sigaw ni Clifford. Napatingin ako sa kanila. Nag-aalala na talaga sila sakin na parang sila yung nasa sitwasyon ko ngayon.
“Hija, halika rito,” narinig ko yung matanda. “Bumalik ka rito.”
Hindi ko sya pinansin. Pinagpatuloy ko yung paglakad hanggang sa makarating ako sa gitna ng tulay. Napansin kong mas bumilis yata yung pag-sway kaya tiningnan ko yung matanda sa likuran.
“Oh my gosh!” Nagulat ako nang nagsimula na rin syang tumawid. Nakita ko syang ngumisi nang nakakasindak. Nagsitayuan naman yung mga balahibo ko sa takot.
Paghakbang ko ulit ay nasira yung isang kahoy kaya nahulog ito. Kita ko yung pagbagsak nito mula rito sa taas hanggang sa tubig ng ilog na sa tingin ko ay napakalalim.
“Hailey, malapit na sya sayo!” Sigaw ni Lexi.
Tinuloy ko ulit. Nasa gitna na yung matanda nang lingunin ko ito. Ako naman ay malapit ng makatawid. Narinig kong nag-crack yung kahoy sa likod. Mas minadali ko ang paghakbang kaya ilang steps na lang ay makakatawid na ako sa kabila.
“Hija, tulungan mo ako,” sabi ng matanda.
Pagkasabi nya noon ay biglang nasira yung ilang mga kahoy kaya napasigaw ako at maging ang mga kaibigan ko.
“Hailey!” Tila umalingawngaw yung pagsigaw nila.
Hindi pa ako tuluyang nahulog dahil nakakapit pa ako. Naiiyak na ako. Mukhang mahuhulog na yata ako anumang galaw ang gagawin ko. Yung matanda naman ay nakatayo pa rin sa kahoy at pilit kumakapit para hindi rin mahulog.
“Hailey, wag kang bibitaw!” Si Clifford. “Tutulungan kita!”
Pag-apak pa lang ni Clifford ay medyo tumunog yung kahoy. Malapit na sya sakin. Yung matanda ay lumapit din naman. Nasa sa kanila lang kung sino maunang makalapit sakin.
Nauna si Clifford. Kinuha nya yung kamay ko at tinulungan ako. Hanggang sa nakatawid na kami, tsaka pa lamang ang biglang pagkasira ng tulay at nahulog yung matanda sa ilog.
“Safe na ba tayo ngayon?” Tanong ni Mica.
“Tayo lang ba ang nakaligtas?” Sabi ko.
Nakaharap kaming lahat doon sa kabila. Si Mica, Lexi, Kuya, Clifford at ako. Kami lang ba yung nakaligtas sa gubat? Umiiyak na kami ngayon. Naiiyak kami dahil hindi na namin makakasama ulit yung mga kaibigan namin. Maging sina Kuya at Clifford ay naluluha na rin. Syempre, kaibigan namin yung mga wala na.
Sabay-sabay naming tinalikuran yung dahilan ng pagkawala ng mga kaibigan namin. Nilalakad na namin ang daan kung saan kami pumasok nung pumunta kami kami sa Liyong Falls. Bakas sa mukha mga namin ang sakit at lungkot na sinapit doon sa kakaiba at nakakatakot na gubat.
Napahinto lang kami nang may nakita kaming nakasulat doon sa taas ng wall. Maliit lang ito kaya hindi masyadong mapapansin at may mga dahon pa ng damo ang tumatabon dito pero mababasa pa rin naman nang buo. Nung pagpasok namin dito ay di namin ito nakita dahil hindi naman kami lumingon sa labas. Makikita lang ito kung palabas ka na rito. Bakit walang nakapansin nito nung pumasok kami? Nagkatinginan kaming lima. Mas naiyak pa kami dahil doon sa nakasulat.
“Do not enter!”
Bakit? Dapat nasa labas yan nakasulat at hindi rito sa loob, di ba? Kung nakita lang namin yan, hindi sana nangyari ang ganito. Hindi sana kami nawawalan ng mga kaibigan. Kumpleto pa sana kami ngayon. Nayakap nalang namin ang isa’t isa ngayon sa sobrang lungkot at inis.